Chapter 31
The BondBuhat buhat na ako ni Eres at mabilis kaming nakarating sa maliit na village na tinutukoy na kung saan inaatake. Nagsitaasan ang aking balahibo ng tumigil si Eres sa tabi ng isang malaking puno na kung saan tanaw na tanaw ko ang maraming bahay na mayroong apoy, idagdag na ang ilang sigaw ng tao na parang nagmamakaawa, may iyak pa ako ng bata na naririnig, at ang pinaka nakaagaw ng aking pansin ay ang ilang bampira na kumakagat sa leeg ng mga naroroon.
Nakita ko kung paano bumagsak sa lupa ang ilan dahil sa panghihina. Nahigit ko ang aking hininga. The emotions inside me is unexplainable. Para bang hindi nakikita ng mga carriers na ito ang pagmamakaawa ng bawat indibidwal na nagmamakaawa sa kanila. Lalo na ang mga bata.
Hanggang sa naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Eres sa aking mga kamay. He is looking at me, looking at my every reaction. Mukhang tinatantiya niya rin ang aking galaw habang ang aking buong atensiyon ay nasa nayon. Katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa. Nakita ko ang ilan sa mga tagusunod ni Eres na nakikipaglaban doon. Unti unti kong nilingon si Eres na nakatingin lamang sa akin.
“Why don’t you go and help them?” I asked softly.
“My job, at the moment, is not to help them but to look out for you,” diretsong sagot niya sa akin.
Kumunot ang aking noo at bahagyang nagulat dahil sa mga sinabi niya. Akmang aalma sana ako sa kaniya ng nilingon nito ang village na magulo saka mapait na napangiti.
“They can’t see me,” he answered then he turned his gaze on me, “but it doesn’t mean that my care is not present for them, I have my servants to follow my order and that is to protect those who is under me. Aside from it, our main purpose for coming here is to show you the truth about him.”
Saglit akong natahimik at napabuntong hininga, “I trust you Eres,” is the only thing I said. Ramdam kong nakaginhawa naman si Eres dahil sa sinabi ko, nagpakawala na lamang ako ng isang tipid na ngiti at ganoon rin siya bago muling itinuon ang pansin sa village.
Nakatingin lamang ako doon at ino-oberbahan ang paligid. Hindi naman gaanong kalayuan ang kinaroroonan namin ngayon mula sa mismong village. Pansin na pansin ang nangyayari at nakita ko nga maski sina Hendrick doon na nakikipaglaban sa isa sa mga tauhan ni Eres.
Pero makalipas ang ilang sandali, nakita ko ang isang lalaki na mayroong seryosong mukha at mababakas ang kunot noo nito. Bahagya pa akong napaatras ng makita ko kung paano nito biglang dinukot ang puso ng isa sa mga tauhan ni eres hanggang sa unti unti itong bumagsak sa lupa.
“Wizus,” I whispered his name.
As I look at him intently, I noticed that something has change. The way he looked at each person he passed by, he doesn’t seem care about it. Para bang wala itong pakialam sa nangyayari sa kaniyang paligid. Hindi ganoon ang paraan ng kaniyang pagtingin sa mga taong nasa paligid niya, maski sa mga bampirang nasasakupan niya.
“That’s the other side of him that he never showed you”
Nakasuot ito ng putting shirt na panloob at simpleng pants na kung saan tinabunan niya ang kaniyang kabuuan ng isang itim na cloak. Pati na rin ang iba niyang mga tauhan. Akmang susugod n asana ang limang tagasunod ni Eres ng duamting rin sina Lara para protektahan ang kanilang panginoon.
Napaatras ang limang akmang susugod dahil sa biglaang pagdating nila. Lahat ng nasa lugar na iyon ay naalarma. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pag-atras ko rin at ang biglang pagtaas ng aking balahibo.
Mukhang naramdaman ata ni Eres ang nakatagong takot na nararamdaman ng aking puso sa ngayon kaya mahigpit nitong hinawakan ang aking kamay. Bago pa ako tuluyang mailagay ni Eres sa kaniyang likod ay nagtama na ang paningin naming dalawa ni Wizus. Sa ilang segundong iyon ay kita ko ang mga ngising namayani sa kaniyang mukha. Isang uri ng ngisi na para bang nagbabanta sa akin.
BINABASA MO ANG
In the Vampire's Territory
FantasíaWhat if you found out that you're not with the normal people anymore? What if you accidentally entered their place and you don't know how? What will you do if you're... IN THE VAMPIRE's TERRITORY ******* Written by: Mhikashi_Angel