Chapter 23
Again
I woke up with the sunlight kissing my skin. Kahit papaano ay maayos na rin ang pakiramdam ko, may kaunting pananakit pa ng katawan but I can still manage.
Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng kwarto at doon, naalala ko na andito nga pala ako sa bahay ni Medina. Napabuntong hininga na lamang ako saka napagdesisyonang bumangon. Mayroong banyo sa loob ng kwartong ito kaya naman agad akong tumungo dito upang maghilamos, at ayusin ang aking sarili.
Matapos ay agad akong bumaba. Hindi naman komplikado ang pagkakadisenyo ng kabuuan ng bahay na ito kaya madali lamang sa akin mahanap ang hagdang papunta sa ibaba, patungo sa sala. Napakatahimik ng bahay, pero yun ang akala ko dahil saglit akong napahinto ng mayroon akong narinig na mahihinang tinig na para bang nagu-usap.
Saglit akong nag-isip kung dapat nga ba akong tumuloy, pero sa huli ay inalis ko ang aking iniisip at lakas loob na bumaba. Nilakasan ko rin ng kaunti ang aking mga yabag dahilan kung bakit napatigil sa pagu-usap ang tatlong taong naririto ngayon. Si Medina na napatingin sa akin kasama niya ang isa pang babaeng may mahabang buhok at isang lalaki na kung saan agaw pansin ang isang hikaw na nakasuot sa kaniyang tenga.
"You're awake, goodmorning," sabi ni Medina at agad na binigyan ako ng isang matamis na ngiti na kung saan sinuklian ko rin ito ng isang ngiti gaya ng pinakita niya sa akin.
Nang tignan ko ang dalawang naririto ay nakatulala lamang sila sa akin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita nila.
"You got to be kidding me!" histerya ng babae saka lumapit sa akin at nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang aking kamay.
"Uhh... hello" I awkwardly greet.
"Ysabel, please be gentle you're making her awkward," suway dito ni Medina saka binigyan ako ng isang ngiti na humihingi ng tawad but I answered it with a reassuring smile showing that I am fine.
"Anyway, she's Ysabel Ethius my cousin on my father side," pagpapakilala niya sa babaeng nakahawak ng aking kamay na kung saan agad itong bumitaw.
Agad namang naglahad ng kamay si Ysabel na may ngiti kong tinaggap, "It's finally nice to meet you," energetic na sabi nito.
"and this is Brandon Nieves," muling pagpapakilala ni Medina na kung saan binigyan lamang ako nito ng isang tango at halata ang pagkamangha nito habang tinitignan ako.
"You didn't tell us that she's finally with you," sabi ni Ysabel at binigyan ito ng isang masamang tingi na kung saan inirapan lamang siya ni Medina bilang sagot.
"She isn't ready yet," simpleng sabi nito.
"What do you mean?" takang tanong ko.
Katahimikan ang naghari at napapailing na lamang si Medina habang ako ay naguguluhan siyang tinignan. "You're hiding something from me, you promised to answer my questions today," saad ko sa kaniya habang matalim ang tingin na iginawad sa kaniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/70132318-288-k822609.jpg)
BINABASA MO ANG
In the Vampire's Territory
FantasyWhat if you found out that you're not with the normal people anymore? What if you accidentally entered their place and you don't know how? What will you do if you're... IN THE VAMPIRE's TERRITORY ******* Written by: Mhikashi_Angel