Twenty-second Step in their Territory

970 42 8
                                    

Chapter 22
Invitation

“Mahal kita…”

He told me a lot of things but those were the only words remain inside my head and keep on repeating. Hindi ko alam ang gagawin ko, naguguluhan ako sa kung ano ang dapat na ia-akto ko.

Sinubukan niya akong lapitan at hawakan pero parang may elektrisadad na dumaloy sa buong katawan ko dahilan para umatras ako sa kaniya, mapalayo, at unti unting napailing na parang takot sa pagkatao niya. I took a step backwards and as I put my gaze on Miss Rhian, my eyes widened for I can’t see a beautiful woman but a woman with a messy hair and a blood all over her face.

This is a nightmare.

“Gezeth,” naguguluhang tinignan niya rin ako at akmang lalapitan ng mabilis akong napailing at mas lumayo pa sa kaniya.

“No, don’t come near me,” sabi ko ng may pagkadesperado.

Sinukan rin akong lapitan ni Wizus pero mabilis kong inilagay sa harapan ang aking kamay na parang ipinagsa-sanggalang ang sarili ko, pinapahiwatig na ayoko sa kaniya.

“Don’t come near me please,” I said with a soft voice, almost begging.

Para akong baliw na takot na takot sa kanila. Sa kanilang dalawa na nakatayo sa aking harapan ngayon. I thought I will be safe when I’m with Wizus, pero bakit ngayon pakiramdam ko ay papatayin nila ako ano mang oras. Nagsitaasan ang lahat ng balahibo ko at agad na nakaramdam ng panginginig dahil sa takot mula sa kanilang dalawa. They will kill me if I won’t get out here, immediately.

Bago pa sila makapag react at tuluyan akong lapitan, mabilis akong tumakbo palayo sa kanila. Palabas sa lugar na kinaroroonan ko ngayon. Wizus shout my name, but I never turn my back, even give him a glimpse. Mas natakot ako ng sinubukan niya akong lapitan at pigilan sa paglayo pero kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng pigian siya ni Miss Rhian ngunit andito pa rin ang takot.

“Papatayin nila ako, at ang mas malala ay gagawing alay kapalit ng asawa niya,” piping bulong ko sa aking sarili at patuloy na tumatakbo. Hindi pinapakialaman ang nangyayari sa aking paligid.

Hindi ko na nga rin pinapakialaman kung saan ba ako patungo dahil kanina pa ako walang tigil sa pagtakbo. Napakadilim rin ng aking paligid at tanging ang mahihinang tunog lamang ng mga insekto ang naririnig ko ngunit tila wala akong pakialam dahil nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko sa kanila ngayon.

Hanggang sa malakas akong napadaing ng bigla akong mapatid dahil sa isang ugat ng puno na hindi ko nakita. Pakiramdam ko ay nanakit ang buong katawan ko dahil sa aking pagkabagsak. Sinubukan kong tumayo pero naramdaman ko ang sakit sa aking paa, pati na sa aking tuhod dahilan para mapaupo ako at dahan dahang inayos ang aking sarili.

I probably look like a mess right now. Napapikit na lamang ako at tahimik na napaiyak dahil sa aking inakto. Sa aking pagpikit naalala ko ang reaksiyon ni Wizus habang tinitignan ako.

Nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata habang tinitignan akong umaatras palayo sa kaniya. He tried to touch me but I only swayed his hand and because of that, I saw how hurt the expression of his eyes is. He called my name but I only ignore it while shaking my head as a sign of rejection.

Hindi ko alam kung bakit ako nanginginig sa takot ngayon. I thought I love him. Gezeth what’s happening to you, stupid!

“I love you, but I’m afraid you only want me to bring back your wife,” mahinang anas ko at tuloy-tuloy ang pag-agos ng masasagang luha mula sa aking mga mata.

“Being afraid is part of being inlove you know,” sabi ng isang malambot na tinig dahilan para mapamulat ako at agad na nilibot ang aking paningin hanggang sa makita ko ang isang babaeng nakasuot ng pulang bistida.

In the Vampire's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon