Sixth Step in their territory

4.2K 198 10
                                    


Chapter 6
The threat

*****

Wizus Ace Royals


"Hey" tinanguan ko lang si Dionne ng makasalubong ko siya sa hallway. Dionne is like a brother to me, we grew up together.

Halos kami na rin ang naging pamilya niya ng namatay ang mga magulang niya. Nagkusa siyang naninilbihan sa amin, kahit na hindi naman kailangan pero sabi niya gusto lang daw niyang masuklian ang mga ginawa ng pamilya para sa kaniya.

"So, how's the human girl?" nakangising sabi niya. Kinalas ko lang ang pagkakaakbay niya sa akin tsaka nagpatuloy na naglakad.

"Shut that mouth of yours Dionne" I said with authority, parang natuhan naman siya.

"Sorry, dude" natatawa perong sabi niya.

"Let's just talk about that later after the class" sabi ko bago tuluyang pumasok sa room namin.

Nakita ko ang ilang mga kaklase naming babae na halos ang lagkit ng tingi sa akin. Hinding-hindi rin nalalayo ang pananamit namin sa mga tao gaya na ngayon, halos labas na ang mga kaluluwa ng mga kababaihan dito.

Most of them are wearing a short skirt, pero hindi naman ganun kakapal ang mga make up nila except sa lipstick nila na kulay red.

Nagdederetso ako sa isang upuan sa likod kung saan nakaupo si Dionne, naunahan pa niya akong umupo.

I was about to sit when when someone hold my shoulder. Amoy pa lang kilala ko na. Bumaba ang kamay niya papunta sa dibdib ko pero nasa likod pa rin siya.

All eyes were on us, at ramdam kong napatahimik sila dahil ginagawa niya. Igagalaw niya na sana ulit ang kamay niya ng hulihin ko yun.

"Stop it, Veronica" I close my eyes to calm myself. Kailangan kong kumalma bago pa ako mawala sa sarili at baka masuntok ko siya, mamaya makalimutan ko pang babae siya.

"Wizus" padarag kong binitawan ang kamay niya bago ko siya hinarap. Parang nang-aakit yung boses niya, pero para sa akin, nakakasuka ang ginagawa niya.

"What do you want?" I asked her.

"You, I want you, Wizus" then she gave me a sweet smile that make me want to puke. Walang emosyon ko siyang tinignan bago  ako tuluyang umupo.

Habang siya ay pinaalis niya si Dionne sa tabi ko tsaka doon siya umupo. I just shook my head, well she's a brat.

Malakas ang loob niya dahil anak siya ng isa sa mga elder. Lahat ng gusto niya nakukuha niya, she can boss around and command whoever she like, except me. She still need to remember that I am still their prince.

Buong klase ay walang akong ginawa kundi tumunganga at halos pandirihan ko na ang katabi ko dahil sa mga pinaggagafawa niya. Veronica's acting like my girlfriend, just what the fuck!

Mabilis akong lumabas pagkatapos ng anim na oras ng klase. Kasabay kong naglalakad si Dionne sa hallway at halos lahat ay tumitigil at yumuyuko para magbigay galang sa akin. Bigla kong naalala si Gezeth, that human girl. May pasok pa pala siya mamaya.

"Wizus, why didn't you wait for me?" maarteng sabi niya tsaka parang higad na ikinawit ang kamay niya sa braso ko. Sinenyasan ko na lang si Dionne na mauna na sa akin.

Hinarap ko siya ng nasa malapit na ako ng sasakyan ko. Mahigpit na hinawakan ko ang braso niya at hindi nakaramdam ng kahit anong awa ng makita kong parang nasasaktan na siya.

"Wizus" kinakabahang sabi niya habang ako ay walang emosyong mababakas sa mukha. "Ouch! Wizus, nasasaktan ako!"

"Nasasaktan ka rin pala" then I smiled evilly while looking directly in her eyes. "Please remember that I am still your prince"

In the Vampire's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon