Seventh Step in their territory

4.1K 180 18
                                    

Chapter 7
First day

*****

Avril Gezeth Stardust




"Ayos na ba lahat ng gamit mo?" masayang tumango ako sa tanong niya. I don't know what to feel right now, it's my first day of school in Vampirus Academia!

I feel nervous and afraid with a little excitement. Nervous and afraid because, just what the heck, my classmates are vampires, and excited dahil makakapasok na naman ako sa school. . . . school nga lang ng mga bampira.

Tatlong araw na rin ang lumipas at ngayon ay papasok na ako. Sabi kasi ni Wizus, kapag mga royalties daw o anak ng mga kilala at mayayamang mga bampira dapat daw na mag-aral sila sa night class habang ang mga mabababang uri ay sa day class.

Inilagay ako sa day class dahil una sa lahat hindi ako bampira at tama nga naman, hindi ako makakatagal sa night class dahil baka antukin lang ako dun.

"Akala ko ba ihahatid mo ako?" takang tanong ko kay Wizus ng makita kong nakapikit siya. What a lazy vampire!

"Wizus! Wake up! Akala ko ihahatid mo ako!" lumapit ako sa kaniya at hinila-hila pa ang balikat niya but he just groaned.

Pinanlakihan ko siya ng mata tsaka inis na kinuha yung unan na nasa tabi niya, papaluin ko na sana siya ng malakas ng masalo niya yun. I just pout my lips.

"Let me sleep first Gezeth"

"Tse! Papasok na ako, sabi mo ihahatid mo ako! Walang 'ya kang bampira ka, paasa ka!" naiinis na tumayo ako at padabog na naglakad. Padabog ko ring kinuha yung bago ko at sinadya ko pang ihulog yung ibang gamit sa may side table niya.

"Arrgh! Oo na!" I smiled and clap my hands because of victory, yeah! my act works.

"Dali na!" hinihila ko pa ang kamay niya. Hanggang ngayon kasi ay nakasuot pa rin siya ng uniform nila. Kaninang mga 5 lang kasi ng umaga natapos ang klase nila at naguumpisa naman yun ng 10 or 11 na ng gabi.

Napatigil lang ako sa paghila ng makita ko ang ilang bampira na taga pagsilbi nila na nakatingin na pala sa amin. Parang may meaning yung tingin ng iba sa kanila at yung iba naman ay parang kakainin na ako sa tingin.

I bit my lower and look down. I really hate the way they look at me, parang bawat galaw ko ay may mali.

Pasakay na kami ng sasakyan niya ng bigla niyang hilahin yung kamay ko tsaka niya ako pinaharap sa kaniya. I questioningly looking at him like 'What the heck are you doing?'.

"Are you okay?" I just nod as an answer. "You sure?"

"Oo nga, ikaw kasi tatamad-tamad pang ihatid ako. Ewan ko sayo!" inirapan ko na lang siya tsaka mabilis na sumakay sa pasenger seat ng sasakyan niya.

"Ihahatid na nga eh" napakamit na lang siya sa ulo niya habang ini-start ang sasakyan. Pati sasakyan niya halatang pangmayaman, it's a lamborghini for goddamn sake!

Kusa na ring nagbukas yung gate ng palabas na ang sasakyan na sinasakyan namin. Halos ganun rin lang naman pala ka-high tech ang mga gamit dito sa lugar nila kagaya sa lugar namung mga tao.

Bigla tuloy akong may naalala kaya bigla ko siyang hinarap na nakakuha ng atensiyon niya pero ibinalik rin lang ang tingin sa daan. "May ugnayan pa rin ba kayong mga bampira sa mga tao?"

Napahawak naman ako sa seatbelt ng bigla siyang nagpreno. "What the fuck! Kung sawa ka na sa buhay mong bampira ka, wag mo akong idamay! Lecheng prinsipe 'to"

"What the fuck are you asking about, human!" napasimangot na lang ako sa kaniya. Isa siya sa masasabing kong nilalang na madaling uminit ang ulo, ang sarap lang paliguan ng yelo.

Nang tumingin siya ulit sa dereksiyon ko ay inirapan ko siya at napahalukipkip. Narinig kong napabuntong hininga na lang siya "Ikaw lang ang tao sa lugar na 'to"

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya and he just simply nod at me.

Mas pinili ko na lang na manahimik habang nasa byahe papunta sa school nila kahit gusto ko pa sanang magtanong. Baka kasi magalit na talaga siya sa'kin.

Marami rin kaming nadaanang mga malalaking bahay, at halos tahimik ang kalsada. Sabi ni Wizus, ganiyan daw talaga. Mas maraming bampira daw ang lumalabas sa gabi.

"Hindi ba kayo takot sa araw?"

"No, tungkulin ng gobyerno dito na nasa ilalim ng mga elders na bigyan ang bawat bampira ng kakaibang alahas na puprotekta sa amin gaya ng sinag ng araw. It is either a bracelet, necklace or a ring" tsaka niya ipinakita sa akin ang singsing sa daliri niya.

"Wow!" I'm. . . . speechless, literally because of what he said. Ano kayang mangyayari sa kanila kapag wala na yung mga gamit na pumuprotekta sa kanila?

"And that necklace of yours" tinignan niya saglit ang kwintas na nasa leeg ko bago ulit tumingin sa daan. "That necklace will protect you from us. Remember, gezeth, you're a human" natahimik ako sa sinabi niya at wala sa sariling hinawakan ang pendant ng kwintas

Habang patagal ng patagal ay parang nagiging magarbo yung dinadaanan namin. Parang may something yung puno dahil sa pagkakatanim sa kanila.

"We're here" napalingon ako kay Wizus ng magsalita siya at sinundan ang tinutignan niya.

There's a huge at tall gate infront of us, ay kusa itong bumukas ng papasok na kami. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko dahil sa kaba ng tinignan ko ang paligid.

"Are you okay?" tanong niya habang minamanyubra ang sasakyan.

"Creepy" narinig ko ang mahinang tawa niya sa sinabi ko, but hey! That's true, it's so creepy. Parang hindi pumapasok yung araw dito sa loob, alam niyo yung feeling na parang uulan na hindi, basta yun!

Saglit siyang napahikab bago ulit nagsalita "Ihahatid na lang kita sa room mo, at may maghahatid na rin sayo mamaya pauwi"

Sabay kaming lumabas ng sasakyan pero siya ay binuksan muna ang isang pintuan sa backseat para kunin yung bag ko.

Sinenyasan niya lang ako na sumunod sa kaniya kaya yun yung ginawa ko. Halatang unti lang ang pumapasok sa day class dahil mula pagpasok namin kanina dito ay parang wala pa ata sa fifty na estudyante ang nakita ko.

At ngayon na naglalakad kami sa hallway papunta sa room ay paisa isa lang ang nakikita ko at halos lahat sila ay gulat ang rumehistro sa mga mukha nila kapag makikita nila si Wizus at tsaka sila mapapatingin sa akin.

Umakyat kami sa hagdan at may ilang linikuan hanggang sa makarating ulit kami sa panibagong building. After, 5 minutes maybe, na lakaran ay tumigil na rin kami.

Nang tumigil kami ay iniabot na niya sa akin ang bag ko. "thanks" nakangiting sabi ko sa kaniya.

"Yeah, Goodluck to your first day. You have your phone?" mabilis naman akong tumango at pinakita ang phone na binigay niya sa akin kahapon para daw kapag may kailangan ako ay tatawagan ko na lang siya.

"Thank you talaga ng marami Mr. Vampire" nakangiaing sabi ko tsaka ko siya binigyan ng iaang friendly hug. Naamoy ko tuloy yung pabango niya kaya di ko maiwasang mapapikit.

"A'right, call me if you need something. Okay?"

"Wag ka lang gaanong matutulog" he chuckled and pinch my nose.

"Yeah, whatever. Bye, I still need to sleep" napatango na lang ako at kinawayan siya bago pinihit ang door knob tsaka na pumasok sa loob.

******

A/N:

I need a med right now, bitin ba? Yeah, sorry. Yan ang nangyayari kapag nagkakasakit ang isang author kaya ang result masakit ang ulo at wala ng lumalabas na ideya sa utak ko. Lol

Sorry, bawi po ako next chappy, muwah!

VOTE and COMMENT are highly appreciated. :)

MHIKASHI

In the Vampire's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon