Chapter 25
I miss you“We’re here,” tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang sementeryo na puno ng katahimikan.
Naunang bumaba si Medina hanggang sa sumunod kaming lahat. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga dahil sa mga kwento kanina na kung saan hindi ko na rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Tahimik lang rin naming binabagtas ang kinaroroonan ni mommy. Konting lakad lang ang ginawa namin hanggang sa narating rin namin ito.
Napaupo ako sa harap nito at dahan dahang hinaplos ang mga salitang nakasulat dito. Amara L. Stardust. Pinapakiramdaman ko ang aking sarili pero nakakagulat na napaka-kalmado ng pakiramdam ko habang tinitignan koi to. Dahan-dahan ring hinahaplos ng malamig na hangin ang aking buhok dahilan para makialinsabay ito sa agos ng hangin.
Saglit akong napapikit at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. “How I wish I experienced having a normal life,” mahinang saad ko at napatayo.
“Well, we are glad that you are aware of how abnormal the kind of life you have,” sabi ni Brandon mula sa aking gilid at nakita ko ang ngising pinakawalan nito na para bang nangu-uyam na inirapan ko lamang.
“Eversince I met those vampires, especially Wizus, it made me realize a lot of things,” sabi ko at nagpakawala ng isang mapait na ngiti, “hindi ko rin alam pero kung mapapansin niyo naman kanina na parang hindi na rin ako nagulat na kasama ang daddy ko sa abnormal na buhay na meron ako.”
“But your father isn’t one of us,” sabat ni medina at nagkibit balikat, “you know, wolves,” sabi pa nito dahilan para mapangiti ako.
“Well, I’m glad.”
“Yeah, your father needs us the way we need him,” sabi rin ni Brandon na itinango ko na lamang na ipinapakitang naiintindihan ko ang gusto niyang sabihin.
Magsasalita pa sana ako ng makarinig kami ng mga kaluskos dahilan para mapatuwid kami ng tayo at inilibot namin ang aming paningin sa aming paligid. Agad ring lumapit silang tatlo sa akin, pinaggigitnaan ako na parang pinorotektahan ako at ayaw nila na may kung anong mangyari sa akin. Somehow, because of what they did I feel secured for it.
“Stay still,” anas ni Ysabelle habang tinitignan ang paligid.
Nagpatuloy pa rin ang mga kaluskos hanggang sa makarinig na kami ng mabibilis na yapak. Nagulat na lamang ako ng biglang may nagpakitang tatlong carriers na may mapupulang mga mata at isali pa ang mga dugong lumalabas sa bibig nila.
Mabilis na umakto sina Brandon at Medina na kung saan mabilis nila itong pinaulanan ng suntok. Pero hindi lang iyon, sabay kaming napaatras ni Ysabelle ng may nagpakitang lima pang carriers na parehong itsura ng dalawng dumating.
“What the!” rinig kong sabi ni Ysabelle sa tabi ko at nagulat na lamang ako ng abutan niyo ng isang knife, “take this,” sabi niya at mabilis na sinunggaban ang limang carriers.
Hanggang sa ang pitong carriers ay nagsama sama at ganoon rin sina medina. Pito laban sa tatlo. Napailing na lamang ako na parang hindi makapaniwala sa aking nasasaksihan lalo na ang pakikipaglaban nilang tatlo.
Hindi rin yata nila napansin na mayroon carriers ang nakapansin ng aking presensiya at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ko. As I felt my instinct, I immediately point the edge of my knife towards the carrier vampire running towards me. Agad kong itinarak ito sa kaniyang tiyan at malaks na pwersa ring hinugot kasabay ang isang sipa dahilan para mapaatras ito.
“This evil species,” I silently cursed.
Agad rin akong lumapit dito at muling sinipa sa tiyan nito hanggang sa mapahiga ito. I grab that chance to trust the knife on his heart with my full force, then forcely pulling it upwards then trust it again on his heart, again and again. Pati rin ang noo nito ay hindi ko pinalagpas. Ramdam ko ang dugong tumatalsik sa katawan ko pero wala akong pakialam dahil alam ko ring wala akong panahon ngayon para mandiri dito.
BINABASA MO ANG
In the Vampire's Territory
FantasíaWhat if you found out that you're not with the normal people anymore? What if you accidentally entered their place and you don't know how? What will you do if you're... IN THE VAMPIRE's TERRITORY ******* Written by: Mhikashi_Angel