Second Step in their Territory

5.8K 292 11
                                    

Chapter 2
On the Road

****

Gezeth Avril Stardust



Pinagpatuloy ko lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan, it's already twelve midnight but I'm still here looking for a place where I can stay even just for awhile.

Maayos rin akong nakaalis sa bahay ni Dad, at walang may alam sa paglayas ko pati si Nanay ay hindi rin alam ang tungkol dito. But I think that it's better in that way.

From now on, kailangan ko ng kumayod para sa sarili ko pero bago ang lahat ay kailangan ko pang maghanap ng matinong matutuluyan, pero paano kasi pakiramdam ko nawawala na ako.

Hindi ko alam kung nasaan ako, ang tanga tanga ko naman kasi at hindi ako dumaan sa may highway. Tuloy ngayon hindi ko na alam kung nasaan ako, halos wala na akong makitang bahay dito at sobrang tahimik ng daanan.

"Damn!" napamura na lang ako ng biglang tumigil ang sasakyan ko. Kaya dali-dali akong bumaba syempre kinuha ko muna ang baril na nasa passenger seat baka mamaya may biglang kung anong mangyari sa'kin pati na rin ang shotgun ko. Nilagay ko sa likod na bulsa ng pantalon ko ang baril habang ang shotgun ay sa kaliwang kamay ko.

Tinignan ko kung anong problema ng makina niya at nakita kong maayos naman kaya nagtaka ako kung bakit tumigil.

Napailing na lang ako, at dali daling sumakay para paandarin ito. At buti naman umandar pero di pa ako nakakalayo ng bigla itong tumigil dahil naubusan ng gas. Tsk! Malas.

'Ngayon ano ng gagawin ko?" tanong ko sa sarili ko at napaface palm dahil sa kamalasan ko.

Napatuwid ako ng upo ng may marinig akong kaluskos kaya lumabas ako ng sasakyan dala ang shotgun at baril ko. Tinignan ko ang likod ng sasakyan ko pero wala naman kaya nilibot ko ang paningin ko sa paligid.

"Sinong nandiyan?" mukha na siguro akong baliw dito dahil sumisigaw ako kahit wala namang tao.

Pero malay mo ba, may narinig kasi akong kaluskos kaya mas tinalasan ko ang paningin ko at halos mapasigaw ako dahil sa lumabas.

"Shit!" patuloy ko lang siyang binabaril pero parang walang epekto.

"Dugo!Akin ang dugo mo!" sigaw niya na parang uhaw na uhaw nga sa dugo. Dali dali akong tumakbo sa loob ng sasakyan at hinablot ko ang isa ko pang baril habang ang shotgun ko ay sinabit ko sa balikat ko.

'Walang hiya kang bampira ka!' piping sabi ko sa sarili ko bago ako lumabas sa sasakyan.

Mabilis ang naging galaw ko dala na rin siguro ng adrenaline rush. Binaril ko lang siya ng binaril pero parang walang epekto hanggang sa naubos na nga ang bala ko at ang shotgun ko na lang ang natitira.

Hindi ako pwedeng magsayang ng bala kaya tumakbo na lang ako papasok sa loob ng kakahuyan at tahimik na nagdadasal.

'Ayoko ko pa pong mamatay' pinagpapawisan na ako at nanginginig pero kailangang tatagan ang loob.

Matatayog na mga puno na parang mayroon silang mga mata na nakatingin sayo, mga halamang kakaiba at ang iba pa ay may mga tinik, isali mo pa ang lupa na parang ilulubog ka pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo para matakasan ko ang walang hiyang humahabol sa'kin.

"argh!" sa kamalasmalasan nga naman lintek na bato, papatidin pa ako. Pinilit kong tumayo pero hindi ko rin lang nakayanan ang sakit kaya tuluyan na akong napahiga sa lupa at hinawakan ang tuhod ko na nagdudugo na ngayon.

Tinignan ko siya at patuloy lang siya sa paglapit na parang zombie 'yon nga lang isa siyang bampira. Hindi ko akalaing totoo 'tong mga nilalang na 'to.

"Fuck! Mamatay kana!" sigaw ko at ginamit ko na ang shotgun ko sakaniya. "Tulungan niyo ako! Tulong!" sigaw ko sa gitnan ng gubat imppsobleng may tumulong sa'kin dito. Ayoko pa pong mamatay, patuloy lang siya sa paglapit kaya napapikit ako ng malapit na siya.

'paginoon, kayo na po ang bahala sa'kin' mahinang dasal ko. Naramdaman kong papalapit na siya kaya mas napapikit ako at nagbilang ng segundo sa katapusan ko.

Napamulat ako ng umabot sa sampung segundo ay wala pa rin nangyari at isang pagbagsak ang narinig ko. "Oh my!" nakita ko 'yong bampira na humahabol sa'kin ay bagsak na siya at wala ng puso.

Iniangat ko ang paningin ko at nakita ko ang isang lobo na na naging isang napakagandang dalaga. "Si-sino ka?" tanong ko at napalingon naman siya sa'kin na gulat na gulat nakita ko rin ang ilang talsik ng dugo sa dress na suot niya.

Siguro hindi niya ako napansin kanina nung inatake niya yung uhaw na bampirang yun teka, siya ba ang pumatay sa bampirang humahabol sakin kani-kanina lang. Tinitigan nya lang ako na parang sinusuri kaya tumayo ako at pinagpag ang pwetan ko at dahan dahang lumapit sakaniya.

"A human" mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. Napamura siya ng makita niya ang sugat sa tuhod ko dali dali niyang pinunit ang ilang tela sa dress niya kaya palagay ko ay unti na lang makikita na ang underware niya.

Lumuhod siya sakin, pipigilan ko na sana siya ng bigla niyang ipinantakip sa sugat ko 'yung tela na pinunit niya. Matapos ay saglit siyang napatitig sa akin at nguniti.

"here, keep it for me please" sabi niya tsaka sinuot ang isang kwintas sa'kin. "It can protect you, live please. Live for me, ikaw na ang bagong master niya. Alagaan mo siya" nakangiting sabi niya sa'kin at nakita ko sa likod niya ang isang malaking sugat.

At halos lumuwa ang mata ko ng bigla nanaman siyang nagtransform bilang isang lobo. Sumenyas siya sakin na sumakay na ako kaya kahit naguguluhan ay dali dali akong sumakay sakaniya.

"A-ano bang meron?" kinakabahang sagot ko at napatingin ako sa likod ko ng makiyang mayroong tatlong bampirang humahabol sa'min ngayon. Patuloy lang sa pagtakbo ang babaeng lobo habang ako ay nakasakay sakaniya.

"Watch out!" sigaw ko sakaniya ng makita ko ang dalawa pang bampira sa harapan at napatigil naman siya. Bumaba ako at kasabay noon ang pagtransfer niya nanaman sa pagiging isang magandang babae at napatitig ako sakaniya ng tuluyan ng maging kulay pula ang mata niya.

Bigla niyang sinugod ang isang bampira habang ako ay napaatras at naghanap ng pwedeng gamitin na pangprotekta kung sakali mang sugurin ako. Pero hindi pa ako nakakalayo ng biglang may humawak sa braso "Blood" uhaw na sabi ng isang bampirang naglalaway pa.

"Aaaaaahhhhhh! Tulong!Kyaaahhh!" sigaw ko habang pilit akong kumakawala, pinaghahampas ko siya. Nakita kong pilit na gusto akong tulungan ng babaeng lobo kaso nakita kong anim na bampira na ang kalaban niya.

Bigla niya akong itinapon, at napadaing na lang ako sa sakit. Tatayo na sana ako ng bigla siyang pumaibabaw sa'kin at unti unting linapit ang matatalas niyang pangil sa leeg ko. "Tulungan niyo ako!Kyaahhh!" sigaw ko kasabay nun ang pagtilapon niya sa malayo at biglang may humila sa'kin at napayakap naman ako sa kaniya.

"Your safe now" kasabay nang pagsabi niya nun ay ang mahigpit na pagyakap niya sa'kin at unti unti nang lumalabo ang paningin ko. Ang pinaka huling nakita ko na lang ay ang babaeng lobo na nakangiti sa'kin kasabay din nun ay ang pagbagsak niya sa lupa.

******
VOTE and COMMENT.

MHKASHI :)

In the Vampire's TerritoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon