Chapter 17 - Flair

63 4 0
                                    

Isabelle's POV

"Dawn! Ang chaka mo na! Para kang panda! Yung eyebags mo yuck!" yan agad ang sinabi ni Kai nang makalabas kami sa quadrangle

"Ano?! Isang beses lang nagpuyat mukha agad akong panda? Hustisya naman diyan oh!" sagot naman ni Dawn at tinignan yung reflection niya sa cellphone niya

Naglalakad kami ngayon sa hall at hindi ko alam kung saan kami pupunta

"Kahit na no!" sabi ni Kai. Bakit palagi na lang silang nagbabangayan?

"Kaibigan ba talaga kita?" tanong ni Dawn kay Kai then raised her eyebrow.

"Of course! Kaya nga sinasabi ko yung totoo dahil kaibigan kita bebe girl." bebe girl?

"Where on earth did you get that endearment?" tanong ko. Andami niya talagang endearment samin ni Dawn, bakla, girl, my dear at iba pa

"Diyan lang sa tabi-tabi bebe." sagot niya at tumawa

"Anong akala mo samin pato?! Loka-loka ka talaga Cyan. Nako tigilan mo ako sa bebe girl mo na yan ha." stress na sagot ni Dawn

Napa-iling nalang ako sa kanilang dalawa

"Oo na hindi na. Kaloka ka talaga!" sagot ni Kai at nag pout na naman

"Ay nga pala samahan niyo naman ako sa dance studio!" sabi ni Dawn at tinignan kami

"Ako girl! Sama ako!" sabi na Kai na excited pa. For sure maghahanap na naman yan ng lalaki

"Pass ako. I need to go somewhere calm and quiet." sabi ko sa kanila

"Sure ka ba? Okay lang na ikaw lang mag-isa?" nag-aalalang tanong ni Dawn

"Sama ka na Isabelle." aya ni Kai pero umiling lang ako at ngumiti

"I can handle myself. Sabay naman tayong mag l-lunch eh." sabi ko. Tumango lang sila at nakipag beso sakin sabay kaway

I decided na sa field pumunta, may damuhan kasi dun at well makakahiga ako at makaka-upo ng komportable at walang masyadong tao dun ngayon.

I looked around the field and holy cow it feels great to be here! It's so quiet and peaceful well may mga students na naglalakad sa hall pero sa field wala so this is the right place for me.

I grabbed my phone inside my pocket at hinanap sa bag ko yung earphones ko pero hindi ko mahanap. I kept on walking and finding my earphones

Damn naiwan ko ba?

"Nandito lang 'yon eh!" sabi ko sa sarili ko at hinanap pa rin yung earphones ko. I stopped walking in the middle of the field I think?

"Ah! Found ya---- aray!" bigla akong napa-upo when someone bumped into me

Bakit ba palagi na lang?!

"Ano ba? Tumingin ka nga sa----- IKAW NA NAMAN?!" why does it have to be always HIM?!

"I'm sorry, Isabelle. Hindi kita nakita kasi nakatalikod ako." he lend his hand to me but I just glared at him at tumayo

"For pete's sake Zachary! Humarap ka pag naglalakad! Wala kang mata sa likod. Stubborn!" kung nakakamatay lang yung titig, he's surely dead by now!

"Look I'm sorry it was not my intention." I rolled my eyes at him

"Whatever!" inirapan ko siya at tinalikuran sabay lakad ng mabilis

Nakakainis! Bakit ba nandito din siya?! Andaming lugar na pwedi eh! Mali pala ako hindi pala 'to ang lugar na dapat pinuntahan ko!

"Isabelle! Sandali!" ano na naman ba?! Nilingon ko siya at tinignan ng masama habang naka kunot yung noo ko

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon