Chapter 33 - Rationale

8 1 0
                                    

Luke's POV

"Sabi ko na sayo eh, hindi ka na tatanggapin nun." sabi ng gago nung pumasok na kami sa condo ko, tinapon ko ma yung palumpon ng bulaklak sa basurahan at nilagay muna sa ref ko yung box ng tsokolate. Ako na lang yung kakain nito.

Agad namang kumulo yung dugo ko sa sinabi niya

Pinandilatan ko siya ng mata. Putangina 'to, ang lakas ng loob niyang pagsabihan ako ng ganyan.

"Yan kasi, gago ka. Alam mo namang wala ka nang tsansa dun, binalikan mo pa. Yan tuloy napahiya ka kanina." tugon niya pa habang hinubad yung sapatos niya at nilagay yun sa gilid. Napayukom ako ng kanang kamao ko dahil sa narinig ko. Nananadya ba 'to?

Agad siyang lumapit sa akin at tinapik ako sa balikat ko, nagpipigil lang ako ng galit ay dahil baka mapatay ko 'to kaagad.

"YOU DON'T MATTER ANYMORE na daw kaya wag ka nang umasa." bulong niya pa sa tenga ko.

Ayun nasuntok ko na sa mukha at napatumba siya kaagad sa lapag.

"Ano bang problema mo Kavin ha? Kaibigan ba kita? Sa halip na tulungan mong ipapagaan yung loob ko ngayon, ginagawa mo pang malala. Puta ka!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko sa putanginang yun

Nagulat naman ako nung napatawa siya ng mahina, "Pre."

Bahagya siyang tumayo habang pinunas yung dugo na tumulo mula sa labi niyang sinuntok ko. Nalakasan ko ata yung suntok ko sa kanya na ikinadahilan kung bakit na nagkasugat siya kaagad

"Pre nakakatawa ka pala. Sa totoo nga lang hindi ko pinagmumukha sayo na malala na yung sitwasyon mo. Hindi mo nga lang alam na tinutulungan na kita eh, wala man lang akong natanggap na salamat galing sayo. GINIGISING KITA SA KATOTOHANAN PRE. Dahil tingin ko sayo para kang tangang pagong na naghahanap ng totoong ina mo, dahil umaasa ka pa rin na makakapiling niyo muli ang isa't-isa kahit wala nang tsansa dahil sa lawak ng dagat. Parang ganyan din sayo, UMAASA ka pa rin na magkakabalikan kayo kahit wala ka nang tsansa dahil sa ginawa mo." sabi niya at hinarap ako sabay hawak ng balikat ko, "Pre, hindi ka na man ganito dati ah. Yung kilala kong Luke noon ay parang wala lang ang lahat sa kanya, chill lang, parang walang kinakatakutan. Gala ng gala, bar all night. Pero nag-iba ka eh, simula nang tinamaan ka ni kupido, simula nung dumating yang pag-ibig na yan sa buhay mo naging tanga ka na sa pag-ibig, naging alipin ka na niya. Una-una si Scarlett, tapos ngayon si Isabelle na naman?" dagdag niya pa at natatameme lang ako sa mga sinasabi niya.

Ewan ko kung bakit ganito yung epekto ng pag-ibig sa akin. Bawal na ba talagang magmahal? Minsan na nga lang 'to, hindi ko pa malubos-lubos.

Tinapik niya ng mahina ang mukha ko at nagsalita muli, "Pre, gumising ka na. Ilang beses na kitang pinagsabihan simula nung dumating ka dito. Hayaan mo na siya, tigilan mo na yun dahil mukhang nakamove-on na yung tao sayo. May damdamin din yun pre eh------" hindi ko na siya pinagpatuloy pa at nagsalita na

"Hindi mo ako naiintindihan." sabi ko at napabuntong hininga. Hindi siya umimik at mukhang napatahimik

Talagang hindi niya ako maiintindihin. Gusto ko lang maitama yung mga pagkakamaling nagawa ko nung nakaraan. Gusto ko lang bawiin at ipaglaban kung anong meron kami noon. Masasabi ngang huli na ang lahat. Pwede ding tanungin na kung bakit ngayon ko lang ginawa eh sa dami ng oras ko noon.

Masisisi ko ba yung sarili ko? Naguguluhan ako noon. Pagkatapos nung araw na yun, hindi na kami nagpansinan ni Isabelle. Kahit gusto ko siyang lapitan, hindi ko magawa dahil alam kong malaki yung kasalanang nagawa ko sa kanya. Hindi naman kami kaagad nagtagal ni Scarlett, she broke up with me. Niloko niya lang ako, sabi niya ginamit niya lang ako para saktan si Isabelle at yun lang talaga yung purpose ko daw sa kanya, at ganun nga dun ko na lang napagtanto na nagpakatanga pala ako sa kanya nun. Bakit ko sinayang yung babaeng handa akong tanggapin, at totoo sa sarili kapalit dun sa walang hiyang manggagamit na yun. Sabi niya, nakahanap na daw siya ng mas guwapo sa akin, at hindi niya daw ako minahal kahit kailan.

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon