Chapter 37 - Information

7 2 0
                                    

Isabelle's POV

Hinaplos ko yung braso ko nang makaramdam ako ng konting ginaw dahil sa aircon ng kotse niya. Nakalimutan ko pa naman magdala ng jacket. How silly can I be?

"Giniginaw ka ba?" biglang tanong niya

"Oo eh." sagot ko. Hindi ko naman kailangan na magsinungaling pa kasi ginaginaw naman talaga ako

Narinig ko siyang hindi na umimik kaya tumahimik na lang din ako. Ano kayang iniisip niya?

Napasinghap ako nang bigla niyang ihinto yung kotse sa gilid ng daan.

"Anong nangyari?" tanong ko

Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang niluluwagan yung kurbata niya. Gosh anong nangyayari?

"W-what are you doing Zac?" tanong ko nang hinuhubad niya yung suit niya

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Nahubad niya na ng tuluyan yung suit niya and he rolled his white long sleeve up to his elbow then unbuttoned the first two buttons.

Tumingin siya sakin at inilagay sa balikat ko ang suit niya "You're cold. Ayokong magkasakit ka ng dahil sa aircon ng kotse ko."

Hindi ako nakagalaw ng dahil sa ginawa niya. I was just looking at him. Eto na naman yung puso ko, making sounds that I don't like.

I can feel butterflies on my stomach too. I always feel this whenever he says something or does something like this.

Anong nangyayari sakin?

"Kapag nagkasakit ka ng dahil sa aircon ipapakuha ko talaga yan." sabi niya

"Thanks." ngumiti ako sa kanya at ngumiti din siya pabalik

Umayos ako ng upo sabay ayos ng suit niya sa balikat ko.

"Gusto mo mag drive thru tayo sa Mcdo? Or Jollibee?" tanong niya

"Gutom ka?" tanong ko din

Tumawa naman siya sa sinagot ko "Hindi naman gusto ko lang bilhan ng makakain sina mama at mga kapatid ko kasi sigurado nanunuod na naman sila ng movies ngayon."

I smiled secretly because of that. He never forgets his family. That's one reason why I like his attitude. He's very a family-oriented kind of guy.

"Sure! I don't mind." sagot ko

"Ikaw saang fries yung gusto mo? Jollibee o Mcdo?" tanong niya habang nagmamaneho

"Hmm mas gusto ko yung sa Jollibee."

Mas nasasarapan naman talaga ako sa Jollibee since I was a kid. Pero matagal na din yung last time akong kumain dun.

Nag-drive thru si Zac sa jollibee at ibinili niya rin ako ng french fries.

"I'll pay for this." sabi ko at tinuro yung fries na kinakain ko ngayon

"Wag na, Isabelle. Diba sinabi ko na sayo na ayokong babae nag nagbabayad sa mga ganito?"

Tumawa na lang ako at tinanguan siya sa gusto niya habang nginunguya yung fries ko.

Pinaandar niya yung stereo at nakisabay sa ilang kanta. Sumulyap ako sa kanya habang may kinakanta siyang lines sa isang kanta.

I'm afraid to fall again. Because falling in love again means being hurt beyond repair and I'm already broken enough. Falling in love means taking all the risks.

Can I love again? Will Zac be worth it?

Unti-unting natapos ang kanta at agad 'yon pinalitan ng ibang kanta naman. And the song that is playing on the stereo right now is Way Back Into Love by Hugh Grant

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon