Chapter 10 - Sentinel

53 8 0
                                    

Zachary's POV

I opened my eyes as soon as I felt the rays of the sun on my skin.

Shit ngayon na pala gagawin yung activity! Hindi ko namalayan na Sabado na pala ngayon andami kasing ginawa sa school eh

Katulad nung pumasok kami sa kanya-kanyang clubs na gusto naming salihan hindi ko alam na magsisimula na pala kaagad 'yon. Edi ayun busy kami sa kanya-kanyang gawain

Ang hirap pang humanap ng magandang views ngayon sabi kasi ng teacher na nag h-handle ng photojournalism, kung sino daw yung may pinaka-magandang kuha ng mga views o ano pa diyan yun daw yung ie-exhibit sa school.

And it would be great kung mga kuha ko yung makikita ko sa school. That would be an honor kaya kailangan kong makakuha ng madaming pictures

Bigla namang tumunog yung cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan.

"Oh, Joaquin? Napatawag ka?" sabi ko nung sinagot ko yung tawag niya

["Hi pogi! This is Dawn, good morning. I just want to say na papunta na kami diyan ngayon."] ah papunta na pala sila. Sandali lang-- ano?!

Tumingin ako sa orasan at alas sais pa lang ng umaga!

"A-ano? Ngayon na? Ang aga pa ah? Diba 10 am---" bigla naman akong natigil ng tumawa ng malakas si Dawn

Is she playing with me?

["Hoy Catherine! Ano na naman ang ginawa mo sa phone ko?!"] narinig kong sabi ni Joaquin sa kabilang linya

["What? I'm just talking to Zac!"] sagot ni Dawn na halatang nagpipigil ng tawa

["Wala ka talagang magawa sa buhay mo! Umalis ka nga dito sa kwarto ko Catherine!"] wala na high blood na naman si Joaquin sa kakambal niya

["Susumbong kita kay Daddy! Panget mo!"] Dawn can be a little childish sometimes, I guess daddy's girl.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Isinalin ko sa loud speaker yung call at tumayo na sa pagkakahiga ko sa kama para mag-ayos

["Bro sorry anong sinabi niya?"] pinag-tripan lang naman ako ng kapatid mo

"Sabi niya papunta na daw kayo dito." akala ko talaga totoo pucha hindi pa nga ako nakakaligo eh

["Wala talaga siyang magawa sa buhay niya. Pagpasensyahan mo na bro."] sabi niya

"Wala 'yon! Ganun naman talaga si Dawn eh. Full of surprises. Sige na bro mag-aayos pa ako dito at magpapahanda ng pagkain para sa inyo mamaya." shit hindi ko natanong kay Dawn kung anong paborito ni Isabelle!

["Sige bro."] kailangan kong tanungin!

"Sandali!" mabilis kong sabi

["Oh bakit?"] napa-kamot naman ako sa ulo ko

"Tanong mo naman kay Dawn kung ano ang paboritong ulam ni Isabelle." sabi ko. Baka kasi mapili siya sa pagkain at hindi siya kumain mamaya, mahirap na. Mabuti na yung nagsisigurado

["Tinamaan ka na talaga bro. Sige text ko na lang sayo."] sagot naman niya habang tumatawa

"Gago!" sabi ko sabay end ng tawag

Hindi ba pwedeng friendly lang talaga ako kaya ganun?

Inayos ko na ang kama ko at pumunta na sa banyo para maligo.

After ilang minutes lumabas na ako at bigla namang tumunog yung phone ko. Siguro yung text na 'to, kinuha ko naman agad at tinignan. At tama ako

*Joaquin sent you a message*

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon