Chapter 41 - Saccharine

3 1 0
                                    

Isabelle's POV

Nag-iisip ako tungkol sa pinag-usapan namin ni Luke kahapon nang biglang may kumatok.

Biglang tumahimik ang mga kaklase ko dahil baka teacher iyon.

"Main characters for Romeo and Juliet punta daw sa auditorium ngayon." sabi ng lalaking hindi ko kilala na agad naman lumabas matapos sabihin 'yon

Why did I even ugh. Agad akong tumingin kay Zac para makita yung reaksyon niya pero nakatingin na siya sakin habang nakangisi.

"Tara?" aya niya sakin

Vacant pa naman namin ngayon! I was just about to sleep when that guy came. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o ano?

"Go Isabelle!" sabi ni Dawn at kinindatan ako

Umiling na lang ako at sabay kaming tumayo ni Zac.

"Yie bagay talaga kayo!" sabi ng isa naming kaklase

Bigla akong inakbayan ni Zac at ngumiti sa kaklase namin na nagsabi nun "Talaga?"

"Yieeeeee!" napuno ng hiyaw ang classroom namin dahil sa ginawa ni Zac na pag-akbay sakin

"Mabuti na lang si Isabelle ang pinili natin guys!" sabi ni Kate at nginitian ko naman siya

"Oo nga kung si Hazel nako! No offense huh pero hindi siya bagay kay Zac." sabi pa ni Aila

It's good to know that they really want me to be Juliet. Akala ko nagustuhan lang nila yung ginawa ko kay Hazel.

Umiling na lang ako habang tumatawa na rin sa mga sinasabi pa ng iba naming kaklase. Mabuti na lang at absent si Hazel ngayon kasi sigurado nag walk out na yun sa nakikita at naririnig niya ngayon.

"So guys aalis na kami ng prinsesa ko. Please excuse us." naghiyawan na naman ang mga kaklase namin at sabay kaming naglakad palabas habang naka-akbay pa rin siya sa akin

Nakaramdam na naman ako ng paru-paru sa tiyan ko na parang hindi sila mapakali sa loob. Here it goes again!

"Zac PDA? Nasa school premises tayo." sabi ko nang hindi niya pa rin kinukuha yung akbay niya sakin

Baka magkaroon pa kami ng violation nito.

"Ayos lang yun, Issay." sagot niya

Tinignan ko siya ng masama sabay kuha ng kamay niyang naka akbay sakin "Ayos your face!"

"Eto naman hindi mabiro." natatawang sagot niya

"Ewan ko sayo, Zac." sabi ko at inirapan siya

Nauna akong maglakad sa kanya at naramdaman ko naman na nakasunod din siya sakin.

Nagulat ako nang may bigla humawak sa kamay ko dahilan para lumingon ako.

"My Juliet." sabi ni Zac habang hawak-hawak ang kamay ko at nakaluhod sa harap ko

What is he doing?

"Zac tumayo ka nga." sabi ko sa kanya

Pero hindi niya ginawa ang sinabi ko. Tumitig lang siya sakin at parang natutunaw ako sa mga titig niya.

"Would you run away with me?"

He was saying those words while looking into my eyes intently. As if we're in some kind of fairytales but we're not.

I rolled my eyes at him "Andami mong alam. Tara na!" sabi ko at kinuha yung kamay ko sa pagkaka-hawak niya

I can't assume things because I might get hurt. Expectation doesn't hurt too much, assuming does.

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon