Chapter 15 - Concern

56 5 0
                                    

Isabelle's POV

*All students who signed up on each clubs please proceed to the quadrangle for some announcements. Thank you!"

Napatigil kami sa paglalakad pabalik sa room ng marinig namin 'yon

*I repeat. All students who signed up on each clubs please proceed to the quadrangle for some announcements. Thank you!"

Announcements? Unti-unting nagsilabasan ang mga estudyante sa mga classrooms at naglakad patungo sa quadrangle

"Issay, pogi, Joaquin tara na!" sabi ni Dawn at tinignan kami

"Pero basa pa yung damit ni Isabelle." sabi ni alam niyo na kung sino. The great Zac of course

Tumingin sa 'kin si Dawn and bit her lowerlip, napagtanto niya siguro na tama si Zac. Tumingin ako sa kanya then I caught him staring at me

"I'm fine. Tara na" sagot ko na lang. Baka kasi hindi na kami makaabot sa announcements and I must say na importante talaga 'to

Nasa gilid ko si Zac habang naglalakad kami papunta sa quadrangle and holy cow hindi ko talaga alam ang gagawin ko! I wanted to say sorry but I can't! Something's holding me back

Pride. Yes that is the emotion that's holding me back.

Pumunta na kami sa quadrangle at madami na nga yung mga estudyante ang nandun at nag-uusap

"Okay students please find a seat na kung saan komportable kayo." sabi ni Mr. Reyes, teacher din namin

Umupo na kaming apat at katabi ko si Dawn sa tabi naman ni Dawn si Zac at katabi ni Zac si Joaquin

"Issay are you really okay?" mahinang tanong ni Dawn as soon as we sat down

Tumingin ako sa kanya then I planted a reassuring smile on my lips

"Don't worry, Dawn I'm fine. Ikaw dapat ang tanungin ko. Tinulak ka kanina, sana hindi ka na lang lumabas ng cr para hindi ka nadamay." sabi ko sa kanya. Ako naman yung pakay nila eh kaya hindi dapat nadamay si Dawn

"Ano? Sira ka talaga. Anong gusto mo hayaan ko lang sila na ginaganun yung best friend ko. Aba hindi ko gagawin yan no" sabi niya at nag cross arms pa

"Mas mabuti na nga 'yun na dalawa tayong nasaktan kesa ikaw lang o ako lang. Best friend kita kaya dapat damayan tayo." dagdag niya pa

Napa-ngiti nalang ako dahil sa sinabi niya and I felt the beatitude inside my heart.

"I'm really lucky to have you as my best friend. Thank you, Dawn." sabi ko habang naka-ngiti

"Likewise, Issay. Oh wag ka ng mag drama diyan at baka maiyak kana naman parehas kanina" sabi niya at tumawa

"Hindi na talaga ako gagawa ng ganung eksena sa'yo, Dawn. Pinagsisihin ko yung ginawa ko kanina." sabi ko at tumawa din

Napatingin naman ako kay Zac and then again I found him staring at me while smiling kaya umiwas ako ng tingin. Ano bang problema niya? May pasa na nga siya at may sugat na sa labi pero nakukuha pa rin niyang ngumiti? Seriously, hindi ko siya maintindihan.

"So are you all complete?" tanong ni sir sa'min pero nagtinginan lang ang lahat at walang sumagot

Tumingin ako sa paligid at mas dumami pa ang estudyante. Ano pa nga ba yung aasahan ko eh madaming clubs sa school na 'to

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon