Chapter 42 - Bad Blood

14 2 0
                                    

Isabelle's POV

"New student please come inside." sabi ni Ma'am Santiago at biglang may sumilip na ulo galing sa labas ng pintuan

Ugh, I can't believe all of this! Yung babaeng snob na yan, kaklase ko pa? Gosh, hindi ko pa naman gusto yung ugali niya. Akala mo kung sinong famous, hindi man lang marunong makihalubilo.

"Go introduce yourself." sabi ni Ma'am pero hindi pa rin umalis don yung babae na Cayenne ata yung name?

"Miss? You may enter the room. Stop peeking from outside and go introduce yourself right in front of your classmates." mahinahon na sabi ni Ma'am Santiago.

Napailing na lang ako sa dahil sa nakita ko. Ang bait ah.

Pumasok yun Cayenne sa loob ng classroom namin at pumunta sa harapan habang nakatingin siya sa lahat ng nandito sa classroom ng masama. What is her problem?

"My name is Cayenne Io Blackwell." saad niya then she sighed

"Okay Ms. Blackwell, umupo ka doon sa vacant seat sa likuran." wala na siyang ginawa pa, sumunod naman siya kaagad sa utos ni Ma'am Santiago sa kanya habang tiningnan kaming lahat ng masama

Nakita kong nagsimulang nagbulung-bulungan si Hazel at yung katabi niya, pero pinabayaan ko na lang. Biglang nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Cayenne, pero agad naman siyang umiwas. What's her problem? Like do I care. Dumiretso na siya kaagad sa upuan niya at tumahimik na siya doon.

"By the way Cayenne, since kakatransfer mo lang dito. Well, a month from now the Grade Ten students of the Elite's Academy will present a play before semestral break. So since bago ka dito, I'm going to assign you as one of backstage crew, is that okay with you?" tanong ni Ma'am Santiago sa kanya at tumango naman siya kaagad

Pagkatapos ng introduction ay balik na naman sa discussions. Oh my, wala akong gana makinig!

Pagkatapos ng dalawang periods of class, it's break time at lalabas na sana ako nung meron akong narinig na nagsalita, kaya napahinto muna ako sa pintuan.

"Uhm hi, I'm Cayenne." dinig ko at napalingon ako kaagad

"I'm Zachary Lincoln Burris, nice to meet you new classmate!" masiglang tugon ni Zac sa kanya sabay abot niya ng kamay niya kay Cayenne.

Tinanggap naman agad ito ni Cayenne at nakipagkamayan silang dalawa.

WHAT THE HELL? Doing this right in front of me? Presko kahit kailan! Ganyan ba talaga siya sa lahat ng mga babae, mukhang tama nga yung inisip ko. Or I'm just being a paranoid here.

"Issay, ano pang hinihintay mo?" tanong ni Dawn sa akin

Napakunot kaagad yung noo ko kaya hinila ko siya muna at umupo kami sa upuan sa first row.

"Ano ba Issay? Kaka--" agad kong tinakpan yung bibig niya, kahit meron pa ring mga nag-uusap na mga kaklase kong hindi pa lumalabas dito, ayokong magpahalata sa kanilang dalawa na nandito pa rin ako

"Hush Dawn. I'm eavesdropping." pabulong na sagot ko sa kanya at tinanggal yung kamay ko sa bibig niya

Binukas niya yung bibig niya pero pinakita ko sa kanya yung nakayukom kong kamao at agad niya namang sinara ng slow motion ito at ginamit yung kamay niya as if na sinara niya ito na parang zipper.

"Bakit ka pala nagtransfer?" tanong ni Zac sa kanya at yumuko naman kaagad si Cayenne

Seriously? May plano siyang pahabain yung conversation nila? Hinintay ko yung sasagutin niya, tiningnan ko pa rin sila habang tinatakpan yung mukha gamit ng strands ng buhok ko. I'm a professional spy!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon