Chapter 40 - Absolve

6 2 0
                                    

Zachary's POV

Natapos na yung dalawang klase at nandito na kami ngayon ni Joaquin sa cafeteria para maglunch. Hinanap ko naman si Isabelle para kulitin siya sana ulit pero nawala naman ito kaagad na parang bula.

Ang sarap niya talagang asarin, ang cute niyang magalit. Kaya nga mahal ko yun eh, pero di ko nga lang alam kung pareho kami ng nararamdaman para sa isa't-isa.

Inaasar ko rin siya tungkol diyan, pero ang hirap basahin ng mga reaksyon niya eh.

She can be vulnerable when she's crying. And she's good at hiding her true feelings when she's at her normal state.

"Bro, ano na yung status niyo ngayon?" sabi ni Joaquin habang nginunguya yung pagkain niya habang nakatingin sa akin na parang adik

Ano bang ginawa niya kagabi bakit nangingitim yung ilalim ng mga mata niya? Nagpuyat siguro 'to. Gago talaga

"Anong pinagsasabi mo diyan ha?" sabi ko at huminto muna sa pagkain ko at tiningnan ko siya

"Basta sagutin mo na lang para mawala yung antok ko." sagot niya habang umiinom ng tubig at pinikit ang kanyang mga mata

Adik na ata 'to. Hindi siguro 'to nagpuyat, baka naka-drugs na.

"Bakit ka naman inaantok? Nagpuyat ka ba?" tanong ko sa kanya kahit halata namang nagpuyat talaga 'to

Nilagay na niya muna sa lamesa yung water bottle bago nagsalita, "Eh kasi si Dawn ang ingay-ingay niya kagabi. Bigla lang siyang sumigaw mga bandang alas-onse ng gabi. Yun, akala ko kung ano nang nangyari sa kanya. Nataranta naman akong lumabas ng kwarto ko at binuksan kaagad yung kwarto niya. Nadatnan ko siyang umiiyak dahil kakatapos niya lang daw panonood ng Titanic. Bumalik ako kaagad sa kwarto ko at hindi na makatulog, mga bandang alas-kwatro na ako nakatulog ulit. Bwisit talaga." paliwanag niya at saka napakamot ng batok

Tumawa na lang ako at napailing.

Agad akong sumubo ng pagkain ko at agad naman siya nagsalita, "Ano na? Kayo na ba? Kasi lately nakikita kong sobrang close niyo na. Parang okay lang nga sa kanya na inaakbayan mo siya palagi eh." sabi niya at tinapos ko munang nguyain yung pagkain ko bago ako magsalita

"Hindi pa kami pero sooner or later." sagot ko at kinuha yung water bottle na binili ko at uminom ng tubig

"Bakit hindi mo na lang ligawan ngayon?" tanong niya naman at nilapag ko na yung water bottle sa lamesa

"Ngayon agad? Wala naman siya dito eh." sagot ko sa kanya

Kumunot yung noo niya

"Huwag kang mamilosopo. Seryoso ako bro." sabi niya at tiningnan ako ng mariin

Ang lakas ng loob niya para sabihin 'yan sa akin. Minsan lang naman ako nakakahiganti sa kanya

Napairap ako sa gilid ko, "Kala mo kung sinong hindi pilosopo." bulong ko sa hangin

"Anong sabi mo?" at napatingin na ako sa kanya

"Wala." maikli kong sagot

Tiningnan niya lang ako gamit ng nababagot na tingin. Mukhang hinihintay niya akong magseryosong kumausap sa kanya.

"Naghahanap lang ako ng tamang oras." sabi ko sa kanya

Kung si Dawn siguro 'tong kausap ko kanina pa 'to kinilig, pero hindi eh. Si Joaquin 'tong nasa harap ko at tumawa lang siya sa akin.

"Naghahanap ng tamang oras o torpe ka lang talaga." sabi niya gamit ng nakakaasar na boses

"Hindi ah. Ilang beses na akong nagpapasimple sa kanya." sagot ko kaagad, "Eh bro, natatakot akong ma-reject eh first time ko kasing naging seryoso sa mga ganito. Pero gustong-gusto ko talaga siya, yun nga lang di ko alam kung ano ba yung nararamdaman niya para sakin. Kung meron din ba siyang nararamdaman para sa akin." dagdag kong sagot at agad siyang napatawa ng mahina

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon