Chapter 23 - History

47 4 1
                                    

Zachary's POV

She's hurt. She's so weak and vulnerable while crying on my shoulder. And I don't like it when she cries! Hindi ako sanay na nakikita siyang umiiyak kasi nasanay ako sa walang emosyon niyang mga mata pero ngayon?

Her eyes tells a different story.

"I-- i'm o-okay..." bigla niyang sinabi gamit ang basag na boses at kinalas yung yakap niya sakin

Agad kong pinindot yung off button sa dvd player at tinignan siya pero nakayuko lang siya.

"Sigurado ka na ayos ka lang, Isabelle?" tanong ko ng mahina at tumabi sa kanya pero wala akong nakuhang sagot sa kanya

Ang tanga ko din eh! Syempre hindi siya okay! Kaya nga umiyak kasi hindi siya okay. Gago ko din minsan eh

"Gusto mo nang umuwi? Ako na maghahatid sayo." sabi ko. Sana naman tanggapin niya yung alok ko.

Ako yung dahilan kung bakit siya umiyak kaya ako ang responsable sa kanya.

"A-ayokong umuwi.." sabi niya ng mahina. Ayaw niya? Bakit ayaw niya?

"Ha? Gabi na Isabelle. Ako na maghahatid sayo." ulit ko. Nakayuko pa rin siya at umiiyak pa rin habang naririnig ko yung mga hikbi niya

"I want to visit my mom..." sabi niya na ikinagulat ko

Nasaan nga ba ang mommy niya? Bakit kapag pinag-uusapan yung pamilya parang tahimik siya? Bakit nung minsan nabanggit ni Kaidence ang tungkol sa mommy niya namutla siya at parang iiyak? Bakit bigla siyang umiyak kanina nung narinig niya yung kanta? Bakit puro mommy ang binabanggit niya habang umiiyak? At ngayon gusto niyang pumunta sa mommy niya?

You have too many secrets, Isabelle. But I know the word na privacy kaya hindi ako mag-tatanong kahit gustong-gusto kong mag tanong.

"Okay. Ihahatid na kita sa inyo para mapuntahan mo na yung mommy mo?" tanong ko sa kanya. I'll act as if I don't have any idea of what's going on.

Bahagya siyang umiling habang nakayuko pa rin. Damn it, Isabelle! Look at me and tell me what's wrong! Tell me everything...

"Oh okay... saan kita ihahatid?" tanong ko ulit

Tawagan ko kaya si Dawn? Shit. Baka mas magalit pa si Isabelle pag ginawa ko yun! At ako ang may kasalanan nito kaya ako dapat yung kasama niya.

Hindi siya sumagot kaya hinayaan ko na lang. Tumingin ako sa relo ko at alas sais na pala! Double shit. Si mama! Lagot ka na naman nito, Zac!

Tumingin ulit ako sa kanya pero nakayuko pa rin siya at humihikbi. Hindi ako sanay sa ganito! Tumayo muna ako at pumunta sa pintuan at sumandal sa dingding para matawagan si mama.

Halos dalawang ring pa lang sinagot niya na agad ["Zachary Lincoln nasaan ka na?!"] bungad niya sakin

"Good evening ma. Please listen first---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil pinutol na ni mama

["No, Zachary. You listen to me! Ilang beses na ba kitang sinabihan na dapat magkasama tayong lahat kumain ng hapunan? Mahirap ba yung hinihingi kong pabor ha? Hay nako!"] ipinikit ko yung mata ko at nanahimik na lang

["Zachary kapag ikaw ang humingi ng pabor pinagbibigyan ko kaagad ha! Wala na akong reklamo. I'm your mom! You should follow me, Zachary!"] shit naman oh!

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon