Chapter 18 - Stellar

60 4 1
                                    

Zachary's POV

Ano ang nangyari sa kanya? May masama ba akong nagawa?

"Ang hirap talaga pag may kakambal kang babae. Hindi ko naiintindihan yung mood swings." sabi ni Joaquin habang napakamot sa kanyang batok.

Mood swings. Maybe that's the reason, oo nga baka yun yung rason kung bakit niya ako tinrato ng ganun. I'll understand, yes I will understand.

"Meron ata yung dalawa na yan ngayon. Mainitin yung mga ulo, wala naman tayong ginawa." dagdag niya pa at napailing na lang ako.

"Tara na nga." pag-aya ko sa kanya.

At nagsimula na kaming maglakad papuntang quadrangle.

Ilang minuto yung nakalipas at nakarating na din kami. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Isabelle. Ewan ko ba, parang naka-set na talaga yung mga mata ko dahil hinahanap siya kaagad. Ganito na ba akong nababaliw sa kanya?

"Ano naman ba yang hinahanap mo diyan?" at eto na naman siya. Panira

"Kung ginamit mo kaya yang mga mata mo sa paghahanap ng mauupuan." dagdag niya pa. Sino pa ba? Tama nga si Dawn, kill joy nga siya.

"Welcome back students. I'm sure that by now handa na kayong lahat na magpresenta ng inyong mga pinaghirapan at binigyan ng efforts. Each clubs are divided inside the quadrangle with their respective places. Please find your clubs at doon kayong lahat pumwesto. We will start after everyone is settled." sabi ni Mr. Reyes habang nag-iingay pa rin ang lahat ng mga estudyante dito sa quadrangle.

"Oh pano ba yan bro? Punta na 'ko don sa pwesto namin. Kitakits na lang mamaya." pagpaalam ni Joaquin at tumango na lang ako bilang sagot.

Pumunta na siya sa kanilang pwesto, at pumunta na din ako kung saan nakapwesto yung club namin.

"Please give me your memory cards one by one so that we can move your chosen photo sa laptop ko, para wala nang problema sa pagpresent mamaya. And please get in line." sabi ng head ng aming club then we went in line.

"Marvelous."

"Amazing."

"Splendid."

Yan yung mga narinig ko sa kanya while he's transferring the photos na nakuha niya galing sa mga nauna sa akin sa pila.

"Next." sabi niya at binigay ko yung memory card ng dslr ko.

"Saan dito?" at sabay turo ko sa sunset na kinuhanan ko kanina.

"It's not bad, your use of silhouette is pretty amazing BUT there's something that lacks in this picture." at nagulat ako sa sinabi niya.

"Ano po 'yon?" tanong ko.

"Your SUBJECT." H-ha? At parang napansin niya na confused ako sa sinabi niya.

"What's the real deal behind this photo Zac? What is the story? Ano yung ini-express mo dito? What is your subject here?" and shit just got real. Yan yung nakalimutan ko! Shit talaga. Yung focus ko kasi kanina nasa kay Isabelle. Shit, patay na. Natahimik na lang ako.

"Oh, is this Ms. Isabelle Francoise Monteclaro?" at napalaki yung mga mata ko sa narinig ko.

"Sir--" sabay takip ko ng screen.

"It's okay. I won't tell." sabi niya sabay wink at saka kinuha na yung memory card ko at binigay sa'kin. Shit, bwisit talaga.

"Now may I request everyone to please settle down!" pagsigaw ni Sir Reyes kahit naka-microphone at natahimik kaagad ang lahat.

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon