Chapter 21 - Kismet

31 5 0
                                    

Isabelle's POV

This just can't be true! UNBELIEVABLE!

Oh my gosh, sa lahat ng pwede kong maging partner siya pa? Sa kinadami-daming chances galing sa ibang parallel worlds at siya pa? Sa kinadami-daming possibilities na pwedeng mangyari at SIYA PA?!

¤EARLIER¤

"Issay ba't ka naman ba nakasimangot? I thought we had fun yesterday?" sabi ni Dawn while poking me. Inirapan ko siya at nakita ko siya na ang tamlay niya, as she was putting her head on her palm showing those downcast eyes.

"Dawn stop doing that! I don't want to see you being so melancholic." singhal ko sa kanya. Damn it Isabelle, nandadamay ka na naman ng iba!

"Eh ikaw kasi eh. Alam mo naman na nalulungkot din ako kapag nakikita kitang malungkot." at nagsimulang nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata na parang iiyak na.

"Dawn stop." sabi ko sa kanya because I know what she's trying to do.

"Oo na, oo na." sabi niya sabay pahid ng kanyang mga nabubuong luha.

She's trying to act as if she's crying para iiyak din ako dahil alam niyang balat-sibuyas ako. Uh, she's taking advantage on my weakness.

"Bakit ka nga ba nagm-moment diyan?" moment? Seryoso?

"Hindi ako nagm-moment no! May iniisip lang ako." and that's the truth.

It's about yesterday, if what I saw was really him or just simply a bluff or my phantasm.

Yes! It should be just my phantasm! Wala na siya dito sa Pilipinas, and it's impossible! Imposibleng uuwi siya dito, imposible yan! And much better na hindi na siya bumalik dito!

Namamalikmata lang ako and that's the thing that I'm one hundred percent sure about.

"Si pogi?" seryoso? Siya na naman? Sa lahat ng pwede niyang i-mention siya na naman?

"Like hell no Dawn! Ano naman ba yang nakain mo at bakit mo naman iisipin na siya yung iniisip ko? Nakakadiri Dawn. Yuck." yes! Nandidiri ako sa kanya, even though confused pa din ako sa kanya, mas gusto ko pa din na hindi na siya maging parte ng buhay ko. I don't want boys being a part of my life again.

Wala na akong tiwala pa sa mga lalake.

Ganyan naman lahat ng mga lalake diba? Unang-una susuyuin ka niyan, todo effort yan at lahat as if binibigay na sa'yo, ang galing magpanggap, tapos kung magiging kayo na, mawawala na yung effort, BUSY daw yung rason at iiwan ka pa din sa bandang huli. That's why I despise boys because boys can't be trusted!

Maswerte ka kung hindi mo naibigay ang bandera ng Pilipinas sa kanya, pero if that happened you'll be the one who'll suffer.

I just can't open my heart to boys ever again!

"Girl, ba't ka naman ba natulala?" I then looked at Dawn. Natulala na naman pala ako?

"Ang weird mo ngayon 'te" dagdag niya pa

Sasagot na sana ako nang bigla ko siyang nakita sa likod ni Dawn at napalingon naman si Dawn.

"Uy pogi, nandito ka na pala." sabi ni Dawn sa kanya at napangiti naman siya. Agang-aga pinakita na yung nakakainis niyang ngiti.

"Ay oo nga pala." at tumayo si Dawn, "Umupo ka na sa upuan mo. Pasensya." sabi niya at nginitian din si Zac.

"Seriously Dawn? Dito ka na lang muna, he can find his own seat for the meantime!" pagpupumigil ko kay Dawn. Totoo naman, if he's a gentleman he can wait.

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon