Chapter 11 - Scarlet Lips

52 7 0
                                    

Zachary's POV

Nagmamadali talaga siyang matapos 'to agad

"Dito na lang tayo gumawa sa living room?" sabi ko

"Ay pogi bakit saan mo ba gusto sa cr o sa dining?" napa-iling naman ako sa sinabi ni Dawn

"Sabi ko nga sa living room." sabi ko at tumawa ng mahina

"Catherine yang bibig mo talaga." aba nagsalita din si Joaquin kanina pa siya walang sinasabi eh

"What? I was just kidding!" sagot naman ni Dawn

Then I saw Isabelle rolling her eyes at umupo na sa couch. Sinunod naman namin siya at nilabas na nila yung dala nilang laptop. Kinuha ko din yung laptop ko na nasa table

Umupo si Dawn kasama si Isabelle sa couch at kami naman dalawa ni Joaquin sa sahig lang at nilagay naming lahat yung mga laptop namin sa center table.

"So, ano yung napili niyong topic? I mean lesson." tanong ko.

"Akala ko ikaw yung pipili?" sabi ni Dawn. Parang wala naman akong sinabi na ako yung pipili ah.

"Wala naman akong sinabi ah." sabi ko then I shrugged.

"Get your book." sabi ni Isabelle at sinamaan ako ng tingin.

"Ako?" painosente kong tanong.

"Bakit? Sa tingin mo ba may dala kaming libro dito? Common sense Zac." sana hindi na lang ako nagtanong. Takte, pinag-iinitan naman ako.

Tumayo ako at kinuha yung libro ko sa itaas. Pumunta ako sa loob ng kwarto ko at naabutan ko si Kuya at si Xandra sa loob.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko. Ba't ba sila pumapasok ng kwarto ko ng walang paalam.

"Using your air-conditioner kasi ikaw yung may pinakamalamig na aircon dito." sabi ni Xandra. Ba't ako na lang palagi?

"Ikaw kuya? Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko kay Kuya Yves.

"Inaayos yung pinapaayos mong upuan na nasira ko, remember?" oo nga pala, nasira niya yan kahapon nang ginamit niya yan pampatong. Pero ba't ngayon niya lang naisipang ayusin? Bahala na sila, ayokong maghintay yung mga bisita ko sa baba.

"Kuya, pakiabot naman ng libro kong Math diyan." siya kasi yung malapit sa desk ko.

Inukay niya yung mga libro ko at parang may ginagawa pa. Matagal pa ba'to? Nang nakita na niya siguro yung libro, agad niya iyon itinaas.

"Ito ba yun?" tanong niya at agad akong tumango at lumapit sa kanya.

"Hawakan mo sa ganitong side para hindi ko mabitawan." Tinutukoy niya yung kabilang side na nasa direksyon ko at agad kong kinuha ito.

"By the way, please lang wag niyong guluhin yung kwarto ko." bilin ko sa kanila.

"Yes sir!" sabay nilang sinabi at sinara ko na yung pinto at narinig ko silang na high five.

Teka, ba't parang mainit yung parte na hinahawakan ko? It feels strange.

Narinig kong may tumatawa so agad na akong bumaba at nakita ko siyang tumatawa kasama si Dawn.

Hindi ko dapat 'to palampasin!

I grabbed my phone then stole a picture of her, AGAIN. Damn, sobrang ganda niya.

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon