Chapter 13 - Klexos

68 7 3
                                    

Dawn's POV

What happened to her? She acted so strange, parang may mali eh. Anong nangyari sa kanya?

And what's with the album that she was holding?

Is it a gift from Tita Eliza? Wow, parang ang bilis naman ata. Hindi pa nga sila ni Zac, binibigyan na siya ng regalo.

But still, bumabagabag pa rin sa isip ko si Issay.

Her voice was shaking.

I can feel it, and I know that she cried. Dinig na dinig yun ng dalawa kong tenga at alam kong hindi ako nagkakamali diyan. Kilala ko siya inside and outside at hindi niya kayang pagtakpan yung mga nararamdaman niya sa akin because I can still see it and feel it!

Yes of course. Don't worry, Dawn. Ingat kayo pauwi okay? See you at school on monday.

Her last words before she left came into my mind.

I felt what she felt back there, nararamdaman ko yung lungkot na dinadama niya. And dahil don, nalulungkot din ako.

She was crestfallen.

Kilala ko si Issay, she likes to cover everything up. Ewan ko nga sa kanya bakit niya sinosolo lahat ng mga dinadama niya. Eh nandito naman ako best friend niya na pwede niyang mapagsabihan ng dinaramdam niya at mabibigyan ko pa siya ng aking saloobin at payo.

Ayaw niyang maramdaman ko yung nararamdaman niya at ayaw rin niyang maging malungkot din ako? That's not an excuse! Diba yan nga yung isa sa mga purpose bilang isang best friend, nagdadamayan, dahil ako yung kasangga niya kahit anong mangyari. Oo, KAHIT ANONG MANGYARI, best friend niya ako at kahit ano pa yan hindi magbabago yung tingin ko sa kanya.

Because I know her true colors.

Kaya nga hindi ko siya iniwan when that incident happened because I accept her flaws and imperfections and I'm not that judgmental type of person. Kahit nung that time siya mismo yung lumayo sakin, pero I still accept her when she came back. Not only that, mahal na mahal ko siya bilang best friend ko.

Pero bakit? Bakit ganun? Bakit ayaw niya pa rin maging open sa akin sa mga nararamdaman niya? Bakit nga ba? Bakit Issay?

Tanong ako ng tanong sa isip ko eh alam ko namang hindi ko 'to masasagot. But I know that day will come, your heart will be unlocked. And the chains that's restraining your feelings to pour out will be broken.

Someday.

Hay nako Issay, parang nahihilo na ako sa kakaisip sa'yo. Bigla akong napaupo sa couch nila Zac then massaged my temple 'cause I'm not feeling well.

"Hoy Catherine, anong ginagawa mo? Aalis na tayo!" sabi ng kakambal ko. Grabe, harsh naman. Hindi niya ba kita na nahihilo yung tao?

"Ate Dawn. Are you okay? You looked so pale at namumuti yung mga labi mo." sabi ng kapatid ni Zac na si Alexandra at tumango naman ako. Mabuti pa 'tong kapatid ni Zac may malasakit, ewan ko lang sa kakambal kong traydor wala talagang simpatya.

"Would you like me to get you a glass of water?" alok ni Zac sa akin. He's such a nice guy. Ang complete opposite ng panget kong kakambal!

"Yes please, pogi." sabi ko then I smiled. Then he went to the kitchen to get a glass of water.

Napaupo si Alexandra sa tabi ko at hinawakan yung kamay ko sabay himas sa likod ko. She's so sweet, I like her.

"Ate, pwede po bang magtanong?" nagulat ako sa sinabi niya.

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon