Chapter 25 - Lucid Feelings

29 3 0
                                    

Isabelle's POV

"Are you all packed up, Issay?" tanong ni Dawn while smiling widely. She's so excited for this!

"Uh huh." sabi ko at sinara yung zipper ng dala kong bag for our field trip.

Humiga siya ulit sa kama ko at ganun din ang ginawa ko. Dito siya natulog dahil excited para sa field trip namin ngayon.

"Picture tayo ng madami mamaya! Dalhin mo yung instax mo kasi dadalhin ko rin yung akin!" sabi niya kaya tumango lang ako

September na ngayon and start of BERmonths na. Christmas is coming! Parang ang bilis lang ng panahon. Parang kailan lang when I let myself open for him.

So may educational field trip ang lahat ng grades 10 to 12 ngayon sa isang museum na hindi ko alam kung saan pero malapit daw sa dagat. I wonder what it looks like because we will be staying there for three days, obviously yung two days ay para sa byahe, yung one day ay yung activity at pagpunta sa museum. I guess aside sa field trip meron din silang nai-prepare na activities. This should be exciting.

"Susunduin ba tayo ni pogi?" tanong niya sakin habang tumitingin sa news feed niya sa facebook

"U-uh yes." tumingin siya sakin at ngumisi

"What? He offered so should I refuse? At isang school lang naman tayo para hindi na mahirapan si Kuya Ed, he's old." depensa ko

"Defensive mo girl alam mo yun? Wala naman akong sinasabi eh! Nako hmm." sagot niya habang hindi tinatanggal ang ngisi sa mga labi niya at tinignan ako. Umiwas ako ng tingin at kinalikot yung phone ko

Well, it's been a month or two na hindi na kami masyadong nag-aaway ni Zac. Pagkatapos nung araw na 'yon, palagi pa rin kaming nag-aaway pero, sa huli nagkabatian rin. At parang sanay na si Dawn sa ganun pero ako, naaasiwa pa din minsan. At palagi kaming inaasar ni Dawn at Joaquin na kami na daw pero hindi naman kami eh!

We're friends. And I'm contented of us being friends kahit medyo naiilang pa ako. I'll get used to it.

Nagulat ako nang biglang lumitaw yung pangalan niya sa phone ko kaya agad kong sinagot ang tawag niya. Maybe he's on his way.

"Hello?" sagot ko. Biglang napa-tingin sa Dawn sakin at tinaasan ako ng kilay pero inirapan ko lang siya kaya tumawa siya

["Hi, Isabelle. Good morning are you ready? I'm on my way."] why do his voice sounds so attractive? What am I even saying?

"Yes. Ready na kami ni Dawn. At ang bagal mo kanina ka pa namin hinihintay!" sagot ko. Harsh na kung harsh, I want to make him feel bad, insert evil laugh.

"HI POGI!!!!" sigaw ni Dawn at inagaw yung phone sakin

"Dawn lower down your voice." sabi ko sabay kuha ng sapatos ko at sinuot iyon

"Alam mo na pogi excited ako sa mga ganito eh." dinig kong sabi ni Dawn. Ano kayang pinag-uusapan nila?

Ngumuso ako at tinali ang sintas ng sapatos ko. Eh ano naman kung anong pinag-uusapan nila? It's none of my business for pete's sake.

"Issay kausapin ka daw niya!" natatawang sabi ni Dawn at binigay sakin yung phone ko at kinindatan pa ako

"Why? Aren't you driving? Baka mabangga ka." tanong ko agad at tumayo para pumunta sa malaking salamin sa kwarto ko at tinignan kong maayos na yung suot ko.

Naka matchy clothes kami ngayon ni Dawn. Naka sapatos at naka shorts na tama lang yung iksi, sleeveless na puti at nilagyan namin ng cardigan na itim. They allowed us to wear shorts kasi field trip naman daw pero yung tama lang daw yung iksi at alam ko na tama lang yung iksi nito. We know our limitations as a student.

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon