Chapter 27 - Time Killer

15 2 0
                                    

Isabelle's POV

"Ahem." sabi ng isang babaeng estudyante sa likod namin at napalingon kaming apat

"Alam niyo naman siguro na maraming estudyante yung pumipila rito. Kung gusto niyong magtsismisan please go somewhere else." sabi niya then she rolled her eyes. If hindi lang occupied yung isip ko ngayon sa pinsan ko kanina ko na 'to nasagot.

"Kuya Kaiser, can we talk somewhere here?" tanong ko sa kanya at tumango na lang siya

Sinenyasan niya muna yung isa niyang kasama to take over.

"Dawn, mauna na kayo ng room natin. I'll be there later, but for now, I need to ask him something." sabi ko nung humarap ako kay Dawn

"Okay, room 123 tayo Issay ha?" at tumango na lang ako sa kanya

I looked at Zac and he looks confused. Umalis na sila kaagad at naghanap na kami ni Kuya Kaiser ng mauupuan sa lobby.

"Bakit ka nandito?" bungad ko nung umupo na kami at hindi lang siya umimik

"Tell me. Anong nangyari? Bakit ka nandito? I thought pinamana na sayo yung business niyo?" dagdag ko pang tanong pero hindi pa rin siya umimik

"Kuya Kais, tell me." at tiningnan niya ako nang harapan, mata sa mata. I saw his teary eyes, mukhang iiyak na. Boys do cry, and for me that's the sign that they're strong.

"I want to be independent." sabi niya at pinunasan yung nabubuong mga luha sa mga mata niya at binaling yung tingin niya.

Independent

"Oo Issay. Ipapamama na nila sakin yung business nila. Pero alam mo kung anong ginawa ko? Tinanggihan ko yung pinakakamahal nilang negosyo and they rejected me as their child. Kaya ngayon, nandito ako, to show them na kaya kong mabuhay without their help, kaya kong mabuhay without their business. Dahil iba yung quality time kesa sa pera eh. Alam mo, buong buhay ko, nakatuon lang yung pansin nila sa business business nila na yan simula pagkabata at ngayon at lumaki ako na hindi nila binibigyan ng kanilang oras. Ewan ko nga kung paano nila natitiis na hindi maka-usap yung nag-iisang anak nila, it's like I don't exist dahil yung mundo nila, yung isip nila nasa business na lang nila lahat! At ngayon? Na nakatapos na ako sa pag-aaral ay business pa rin? Ipapamana nila sa akin? But they think am I happy with it? I want to live a free life Isabelle, gusto kong mabuhay na merong memories sa ibang tao, hindi puro memories sa pera, na nag-iisa. Kaya ngayon gusto ko maging independent. Don't they worry, babayaran ko din ang lahat ng ginawa nila sa akin, lahat ng----" at hindi ko na lang siya pinagpatuloy sa sinasabi niya. Niyakap ko na lang siya for all I know, this is what he needs right now.

"Kuya. I do understand what you feel, yung kulang sa oras yung pamilya mo sayo. Pero sa ibang paraan lang yung sakin." bulong ko sa kanya. Sa lahat ng magpipinsan ng Monteclaro, siya yung masasabi kong pinaka-close ko sa lahat.

"Salamat Issay." at niyakap niya din ako.

Pagkatapos naming magyakapan ay nagsalita siyang muli.

"Huwag na nating pag-usapan yun ha? Nakakabwisit kasing isipin." at tumawa siya kaagad. I'm impressed of how he can easily hide what he feels deep inside.

"So, is it hard working here? I mean paano mong nakakaya na bumuhay ng sarili mo?" tanong ko sa kanya at naalala ko yung mga batang nakilala ko kanina

"Hindi naman masyado, I'm getting used to it and nakakapag-ipon na naman ako. Nung umpisa sobrang hirap, pero nakaya ko naman." sagot niya at napangiti.

After that dramatic moment, he still managed to smile.

"Uhm, Kuya Kaiser. Can I ask you something?" bigla kong naitanong at tumango siya kaagad

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon