Chapter 32 - Abomination

10 2 0
                                    

Isabelle's POV

"Here. Eto na yung sinasabi ko sayo kanina." sabi ko sabay abot kay Dawn ng paper bag na may laman na dress na binili ko para sa kanya.

Dismissal time na ngayon at ang boring nga ng araw ngayon.

"Oh my gosh! Ang ganda!" tumili siya at tumigil sa paglalakad

Ngumiti naman ako "I'm glad you like them. Hindi kasi ako makapili ng maganda kaya dalawa binili ko."

Bigla niya akong niyakap "I'm so lucky to have a best friend that has a good taste in fashion! Not only that, a best friend who is thoughtful also. Thank you, Issay napaaga ata ah." sabi niya at tumawa

What does she mean from 'napaaga ata'?

"No problem, Dawn. Binibilhan mo din naman ako kapag nag shopping ka din." sabi ko at nginitian siya

We always buy clothes for each other. Parehas din kasi kaming mahilig sa fashion, probably that's why we're best friends. We always click in everything.

Dawn, was the one stayed by my side no matter what happened. So she deserves to have a best friend who will spoil her with clothes that she likes.

"Issay bili muna tayo ng popcorn bago pumunta sa field." sabi ni Dawn

Tumango lang ako habang naglalakad kami papunta sa caf. Mabuti na lang at hindi pa siya pinapa-uwi ng parents niya. Ayaw ko pa kasing umuwi sa bahay kaya inaya ko siya na tumambay muna sa field.

Bakit ako uuwi kung wala din naman akong gagawin dun kung hindi mag mukmok sa kwarto kasi ayokong makita at maka-usap si dad. He's pushing me to love that woman that he wants to marry! For pete's sake you can't force someone to love someone they don't know!

Ayaw ko nga eh. Saan ba sa ayaw ko yung mahirap intindihin? Kesa masagot ko si dad edi nagmumukmok nalang ako sa kwarto. Less fights with dad.

"Gusto mo din ng popcorn? Libre ko!" masayang tanong ni Dawn pero umiling lang ako

"Tara na." saad niya pagkatapos niyang bumili ng dalawang popcorn na parang manunuod kami ng movie sa bagay parang movie naman talaga yung sitwasyon namin nila daddy

"Hanapin kaya natin si Kaidence?" biglang aya ni Dawn habang naglalakad kami palabas ng cafeteria

"Oo nga no? Matagal na naman siyang hindi nagpakita satin." sabi ko at sumang-ayon sa kanya. Saan na naman kaya pumunta si Kai?

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko at para itext si Kaidence na puntahan kami sa field pero nagulat ako nang biglang nabitawan ni Dawn yung hawak niyang popcorn dahilan parang mahulog ito sa sahig at kumalat

"Dawn!" sigaw ko ng makitang hindi niya pinulot

Agad akong yumuko para kunin yung kahon ng popcorn at salamat naman kasi may natira pa sa loob! Dawn is so clumsy sometimes.

Tumayo agad ako at hinarap siya "Dawn naman why are you so clumsy? Nahulog tuloy. Anong nangyari sayo?" tanong ko nang makita siyang maputla at parang nakakita ng multo

"Si... si.... bumalik siya...." nauutal na sabi ni Dawn

Kumunot yung noo ko "Ano? Hindi kita maintindihan. Sino?" tanong ko
"Your.... your ex is back." sabi niya sabay turo sa likod ko

"Ano?!" sabi ko sa kanya na hindi makapaniwala. That's impossible! She must be joking

Pero naalala ko yung nakita ko sa bar. Pilit kong tinatanggi sa sarili ko 'yon, pero totoo kaya?!

Concealed Seventh HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon