Chapter 4.2

19 0 0
                                    

MADISON'S POV

Eto na. Kakanta na yung dalawa ng ewan ko! Di nila sinabe kung ano kakantahin nila e. Ayan na, magi-start na sila.

"Do you remember when I said I'd always be there?" Sinimulan ni Casper yung kanta. Uwaaaaah! Best friend pala kakantahin nila. 

"Ever since we were ten, baby.

When we were out on the playground playing pretend" si Prince naman yung kumanta. Grabe, simula pa lang andami ng tilian. -______- 'Yan naaaa. Kumanta na sila. 

(A/N: Di ko na po inisa-isa yung lyrics. Sarrey. :* Play the song beside. :* haha)

"Kyaaaaaah! They are so hot even if they're singing!"

"I think I'm inlove with them na!"

"OMG. I can't breathe! Nakakakilig silaaaaa!"

"I love Prince na! Very much."

"Ang gwapo ni Casper. Kyaaah!"

"I can be their best friend."

"Pwede na sila gumawa ng banda. I want to hear Jace's voice! Siguro maganda din boses nya!"

"They're like an angel sent from above!"

'Yan lang naman yung mga "bulungan" or should I say sigawan nila. -______-  Grabe. Napakasuperduperultramegahyper ng mga classmates ko, girl classmates to be specific. Ba't nung after kong kumanta wala man lang akong ganyan na narinig na sigawan?

"So."

"Ay pusang kalabaw!" -______- Epal 'tong si Jace. Bigla-biglang nagsasalita. Jombagin ko 'to e.

"Huh? Tss. Nevermind. So, are you amazed?" sabay smirk. Pinaglihi ba sya sa smirk!?

"Hmm. Not really." sabe ko.

"Okay." yun lang sinabe nya then nanahimik na sya. Umupo na sa tabi ko si Casper.

"So, how's our voice?" ANOBA!? TROPANG SMIRK BA SILA!? Masyado nilang gusto magsmirk. Isang smirk nalang galing kay Prince, TS na talaga sila!

"Hmm. Not good enough to be a pro. Pero okay na din." yun ang napakatinding comment ko sakanya. Mala-international judge pa ang peg ko. Hahaha

"Really? I thought my voice was good enough." pag-angal nya sabay pout. Btw, nasabe ko na ba sa inyo na, ANG CUTE NYA PAG NAKA-POUT!?

"Che. Wag ka nga magpout! Ang corny. Di bagay." hahhaa! Opo, I AM A GOOD LIAR. Hahaha. Joke lang. XD

"What!? Nahuhumaling ang mga babae sa pout ko noh!"

"Well, except me. I think guys aren't suitable for pouting. Well, it's just my opinion. Just don't mind it."

"Really? Don't worry, I won't pout again." sabe nya.

"Hala! Uy, di ko naman sinabe na wag ka ng magpout. Opinion ko lang naman yun e! Don't worry, kung gusto mo pa din magpout, ayos lang saken." sabe ko.

"Hindi, okay lang! Hindi na ako magpa-pout.. basta para sayo." Haaaaa?

"Ano?"

"Ha? Wala. Sabe ko, okay lang hindi nalang ako magpa-pout. Haha."

"Hindi. Yung huli mong sinabe! Di ko maintindihan eh." sabe ko. Di ko kase naintindihan e. Biglang humina. Sudden change of volume. XD

"Ha? W-wala yun! Haha. Ano, sabe ko.. Di na ako magpa-pout kase sabe mo! Hahaha." Okay? Ang weird netong lalake na 'to. -_______-

-

SOPHIE'S POV

Hi, my name is Sophia Mae Veloso. I'm 15 years old. And I believe in the saying, What is your beauty if your brain is empty. I, thank you. *bow* Hahaha. Charot lang. Ako si SOPHIE not SOPHIA. Haha. Mas maganda kase ang Sophie e. Ako ang pinakamaganda at kikay na best friend ni Madison. Yesssss, opo. Kikay ako, unlike Mads. PERO, BUT hindi po ako yung flirt ha? Being a kikay is very different from being a flirt. =))))))))

"Hey!" Aysus! Yung crush kooooo. Haha. Si Prince yun. Katabi ko kase sya. Naguguluhan ba kayo sa seat plan namen?

Casper - Madison        Prince - Ako

         Jace                         classmate

Yan ang seatplan namen, kaya kame nagkakausap. Sorry kung naguluhan kayo. Hahaha. 

"Ay, uy Prince! Nice voice." maganda naman kase talaga yung boses nya. Bakit ba naman kase napakahimbing ng tulog ko nung nagsabog ang dyos ng kagalingan sa kanta? T_______T I envy my best friend. :(

"Haha. Thanks. Eh ikaw?"

"Ha? Ako? Nako, singing is not my type." sabe ko. Pero actually, gustong-gusto ko ang pagkanta! Sakto lang talaga na hindi ako blessed pagdating dun. At inaayawan ako ng music.

"Really? Okay." ay? Napaka-effort nya talaga kausap. -_____- Pero kahet na ganun, KINIKILIG PA DIN AKOOOOOOOO! Wag kayong magulo, ganito ako kiligin.

-

A/N HI, HELLOOOOOO! Sorry kung maikli. :* Hahaha

I'll Never GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon