Chapter 24

12 0 0
                                    

MADISON's POV

Battle of the bands Philippines na. Anong nangyari sa amin last month? Wala. Puro away-lamon-practice-repeat lang ang scenario namin lagi. Pero after nung first day ng practice namin, I kept on avoiding Casper and Jace. Until now. Ewan ko kung bakit ko ginagawa 'yun pero kasi there's a part of me saying na, dapat ko silang layuan. Si Casper, siguro dahil nga crush ko siya kaya ayoko lang lumalim pa. Pero kung bakit ko iniiwasan si Jace? I honestly don't know.

"Guys, 5 minutes nalang. Be ready." sabi sa amin ni Kuya. Pagkatapos sabihin ni Kuya 'yun, kinuha ko 'yung copy ko ng lyrics para magpractice. Maya-maya naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Ah, Mads?" sabi ni Casper. Hay. Minsan ang hirap talaga iwasan ng mga taong ayaw magpaiwas.

"Ay, wait lang Casper ah. Puntahan ko lang si Kuya, may kailangan kasi ako itanong." sabi ko sa kanya pero bago pa ako tumayo, hinawakan niya yung kamay ko.

"Wait, Madison. Usap naman muna tayo." sabi sa akin ni Casper tapos hinila niya ulit ako paupo.

"Ha? Bakit? Nagusap naman tayo kahapon ah." sige, Madison. Magpaka-trying hard ka maging cold diyan. Hindi naman bagay.

"Mads, are you avoiding me?" tanong niya sa akin.

"Ha? Bakit naman kita iiwasan? Baliw ka ba? Ha-ha-ha." sabi ko. Grabe. Halatang peke yung tawa mo, Madison. Wooh!!

"Mads, galit ka ba sa akin? Iniiwasan mo ba talaga ako? May nagawa ba akong masama sayo?" sabi ni Casper. Pero bago pa man ako makasagot, tinawag na kami ni Kuya. Habang papunta na kami sa stage, narinig kong nagbuntong hininga si Casper sabay sabi,

"Sige, Madison. Goodluck nalang sa atin. Namimiss ko na kakulitan mo." aray. Ganun ba ka-big deal pag-iwas ko sa kanya? Bakit kay Jace parang wala naman siyang paki? Hay. Why would he even care, tho?

**

"Let's welcome the League Of Music!" sabi nung emcee. Tapos angd aming naghiyawan, nagcheer at nagpalakpakan. Syempre, buong NCR nirerepresent namin e. Lahat ng regions sa Luzon ang kalaban namin.

"And now, let's watch their music video." tapos biglang nagplay yung video namin sa malaking screen sa likod namin kaya naman tumabi kaming lahat para mapanuod ng maayos. Habang ginagawa 'tong music video na 'to, dito 'ko mas lalong naramdaman na dapat kong layuan si Jace.

Doon kasi sa video, sumasayaw kami ni Jace. 'Yung parang cotillion. Ang parang story concept kasi namin dun, may isang magkababata. Matagal na silang hindi nagkikita. Tapos accidentally, nagkita sila sa isang party. Nakilala nila ang isa't isa kasi noong bata sila, may promise silang dalawa. Na everytime na pupunta sila sa isang party na may sayawan, lagi nilang susuotin pareho 'yung customize friendship necklace nila. (ITO PO AY MAY SIDE STORY!!!)

"That was a very touching music video. Now, we'll let the bands to take a break first. And after that, we'll see them performing live! For now, just sit back and relax." sabi nung emcee. May mga guests silang artists dito para magentertain sa audience habang kami ay nasa backstage para magready.

Habang nasa backstage kami, ang daming lumalapit sa amin na ibang bands para magpapicture kay Kuya. Hahaha! Ayos pala 'to e. Halos lahat ata sila idol si Kuya e. Sa lahat ng banda, kami lang ata yung pachill-chill. Lahat sila natataranta na sa pagpractice e. Hahahahaha! Nakaupo lang ako sa isang tabi nang biglang lumapit sa akin si Prince.

"Uy, Prince!" pagbati ko sa kanya.

"Tubig." sabi niya sabay abot sa akin ng tubig.

I'll Never GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon