Isang linggo na ang nakalipas simula nung nanggaling kami ni Jace sa enchanted Kingdom. At nandito kaming lahat ng students sa quadrangle. Kasi tapos na ang isang linggong paghahakot namin ng views sa youtube.
Ugh. Grabe. Everytime na naaalala ko yung Youtube views na yun naiirita ako. Masyado ng suki yung pangalan ko sa public. Yung dati kong simpleng pamumuhay, naging complicated na ngayon. Kahit mga yung simpleang pag-malling ko kasama si Sophie di ko na magawa. Yung pantitrip ko sa arcade di ko na din magawa. Nag-iba na talaga. Promise!
Kasi ngayon, ang dami ko ng followers sa twitter. At friend requests sa facebook. Ang dami ko na ngang fanpages e. Kaya ayun! Ang dami kong throwback pictures ang nakakalat sa iba't ibang social networking sites. Ang lakas talaga ng impact sa fans ni Kuya ang pagiging little sister ko. Biruin mo, hindi pa ako official celebrity nyan.
"Okay. Good Morning, students!" pagbati ng Principal namin. Edi syempre bumati din kami.
"I bet you all know why you're here right? Ngayon, sasabihin namin sa inyo ang magiging banda na makakapagbigay ng honor hindi lang sa ating school kundi pati sa buong NCR." tapos nagsipalakpakan naman kaming lahat. Hay. Sana naman hindi kami mapili. Masyado ng expose pangalan ko sa mundo. Pag napili kami, baka pati sa ibang planeta sumikat din yung pangalan ko.
"May we call on the group who reached 2 987 654 views on their video. Mr. Jace Park, Mr. Casper Fontanilla, Ms. Madison Kylee Grosar and the last but definitely not the least, our beloved Mr. Jethro Caius!" kakasabi ko lang na wag kami diba? Bastusan? Tss. Umakyat na kami sa stage. Nung nakaakyat na kami, bigla silang nagpalakpakan at hiyawan. Sus. If i know, etong mga lalake lang sinisigawan nila at pinapalakpakan e.
"Ah, sir?" narinig kong sabi ni kuya Jethro tapos bigla siyang lumapit sa principal tapos may binulong ata? Kasi nagnod yung principal namin e.
"Hold it. May I also call on Mr. Prince Garcia to please come up here in stage. He will be also joining these 4 students here." sabi ni Mr. Principal tapos napatingin naman ako kay Kuya Jethro. Di kaya siya nagrequest nun?
"These 5 students will be representing the whole National Capital Region on the upcoming battle of the bands' division. You may now go back to your respective classrooms. Thank you." sabi ng principal namin. Tapos nung pababa na sana kami sa mini stage, our principal approached us.
"Hey! All of you, you're excuse for the whole class hours." sabi ng principal namin.
"Us?" sabay-sabay namin tanong.. Well except kay Jace. Asa ka naman na makikiride yan.
"Yes. All of you." sabi ng principal.
"Yes!!" sigaw namin apat. Hahaha! Sabi na e. Pati 'tong si Prince tinatamad din mag-aral minsan. Lmao.
"The reason why is, kailangan nyong mag-isip ng band name. Tapos eto lahat ng mechanics at rules ng competition. Let me know kung may mga tanong kayo regarding this." sabi niya tapos may inabot siya sa amin na tig-iisang papel.
"You can use our Music Room. Lastly, bawal kayo lu,abas ng school o tumambay. Inexcuse kayo hindi para magrelax okay?" sabi ni Mr. Principal tapos iniwan na kami.
"Guys. Kain muna tayo. Nagugutom na ako eh." sabi ni Casper.
"Bili nalang tayo sa canteen tapos sa. Music room nalangt ayo kumain. Baka makita pa tayo ng Principal. Sermunan pa tayo." sabi naman ni Prince. Dumiretso na muna kami sa canteen. Tapos bumili kami ng sandamakmak na pagkain.
5 Lays na malaki, one dozen donuts, 7 na ulam, 5 milkteas, 5 bottle of water, at isang rice cooker na may kanin. O' diba? Di kami masyadong gutom nyan. Buti hindi kami KKB. Libre ni Kuya lahat. Hahaha! Lahat kami pumili nyan. Pati si Jace nakisali sa pagpili ng ulam.

BINABASA MO ANG
I'll Never Go
General FictionIsang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi magpakatanga. ♥ Dejoke lang. This story refers to a girl who will experience many hardworks, challenges and sacrifices in her life. Pero kahit na ganun, she always have this one thing.