HI GUYS AND GALS! <3 Update naaaa. :*
--
MADISON's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. 12:40na kasi kaya paalis na ako. Jusme! Mamaya lumabas na naman apoy nung damuhong dragon na si Jace na yun. Sabi niya, 1 pm SHARP daw e? Edi go. Sundin na! Hahaha. Bumaba na ako sa sala para umalis.
"Hey! Sa'n punta?" paghaharang naman ni kuya sa akin nung palabas na ako ng pinto.
"Tapon basura!" proud kong sagot. Pero actually, sarcastic ako. HAHAHA!
*pak*
"Aray, kuya! Ba't mo 'ko binatukan!? -- MOMMYYYY! Si Jethro Caius Grosar bi--"
"Tanga. Wala si mommy!" sabi niya,
"Ay ganun ba? Edi, -- DADDYYY! Si Jethro Caius --"
"Wala din si daddy. HAHAHAHA!" Epal 'tong epal na 'to. -,- Lakas makaputol ng punchline. T3T
"Ewan ko sayo! Alis nga. Aalis pa ako eh." sabi ko pero bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto, hinigit niya ulit ako pabalik. Kanina pa 'to nakakasakit ha? >3<
"Aray naman!" pagrereact ko.
"Saan ka nga kasi pupunta?" tanong niya ulit. Badtrip ka, kuya!
"Makikipagdate! Magboboyfriend! Magpapakasal! Mag-aanak!" tuloy-tuloy kong sinabi. Badtrip kasi eh! Kanina pa siya.
"ANO!? SINO 'YUNG 'LANGYA NA LALAKI NA 'YAN!?" -_____- Minsan nagtataka talaga ako kung ba't ako nagkaroon ng kuya na over mag-hysterical.
"Chill, kalma! Para kang si Candace ng Phineas and Ferb kung magreact eh." sabi ko tapos parang nagtataka yung mukha niya.
"Who the heck is Candace?" sabi niya. Pfft. HAHAHAHA!
"Cartoon character siya! Search mo kung gusto mo. Puro porn kasi yung pinapanuod e. 'Yan tuloy. HAHAHAHA!" pangaasar ko sa kanya.
"Hoy! What the hell are you talking about? Di ako nanunuod ng porn noh. My career will be ruin 'pag nagkataon." pagdedefend niya sa sarili niya.
"Weh? Di nga? Nakita nga kita nanunuod nung isang araw eh. Ayuuu. HAHAHA!" sabi ko sa kanya sabay takbo.
Pero sa totoo lang, di talaga siya nanunuod nun. HAHAHAHA! Inaasar ko lang siya. Actually, ayaw niya ng nanunuod ng mga ganun. Kahit kapag nanunuod kami ng movie, tas may BS, tinatakpan niya mata namin para lang di mapanuod. Yes, mata NAMING DALAWA. Alam nyo naman si kuya. Protective.
Nagtricycle na ako papunta sa may park ng school. Syempre, tricycle lang. Ang OA naman kasi kapag nagpahatid pa ako. Tsaka mas OA kung taxi pa sasakyan ko. Since, 5 minutes lang naman byahe. Practical 'to pare! ;)
"Manong, bayad po." sabay abot ko ng bayad ko sakanya nung bumaba na ako. Nandito na kasi ako sa may park.
"Ay nako ne. Wala ka bang barya?" sabi niya sakin tapos binigay niya ulit yung bayad ko.
"Ay manong. Sige po, keep the change nalang po." sabi ko sakanya sabay abot ulit nung 100 ko. Okay lang naman sakin yun kasi 100 lang naman. =)))
"Sigurado ka? Salamat hija." sabi niya sa akin tapos ngumiti nalang ako. Nung umalis na yung tricycle, pumunta ako dun sa may swing. May mini playground kasi dito sa park eh. Tsaka I love swings kaya! HAHAHA!
BINABASA MO ANG
I'll Never Go
General FictionIsang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi magpakatanga. ♥ Dejoke lang. This story refers to a girl who will experience many hardworks, challenges and sacrifices in her life. Pero kahit na ganun, she always have this one thing.