Chapter 23

11 0 0
                                    

MADISON'S POV

"What!? Kuya, bakit siya!?" pagsigaw ko kay Kuya.

"Kasi bagay kayo?" sabi ni Kuya. Ano!?

"Bagay? Kami? Yuck!" sabi ko.

"Kylee, para sa music video lang naman 'tong partnership niyo ni Jace. Don't worry." sabi ni Kuya. Sa totoo lang, ayos lang naman kasi sa akin makapartner si Jace. Pero kasi simula nung nanggaling kami sa Enchanted Kingdom, I already had this very strange feeling. Ewan ko kung bakit pero feeling ko kasi dapat ko siyang layuan.

"Kuya, pwede bang si Casper nalang?" suggest ko sa kanya.

"No. Kylee, mukha kayong mag-kuya. Hindi bagay." wow ah? Grabe. Crush ko 'yun tapos ginaganun niya? Tsk.

"What about Prince?" tanong ko sa kanya.

"No. May iba siyang gagawin. He will be editing the video. Kaya hindi pwede." sabi niya.

"Eh ikaw?" tanong ko. Since, bagay naman 'daw' kami. Dati nga nung hindi pa masyadong sikat si Kuya, napagkamalan ng ibang tao na kami. Bagay daw kasi.

"Hindi pwede. Ako magdi-direct sa inyo." sabi niya.

"Si Jace talaga?" mahinang loob kong tanong.

"Kylee, napansin ko lang, parang simula kahapon pag-uwi natin iniiwasan mo si Jace. May problema ba?" tanong niya.

"Ha? Wala wala. Paanong iniiwasan?" bwisit. Ganun ba ako ka-obvious?

"Kahapon, nag-aya si Jace sa bahay nila pero di ka sumama. Tapos nung nag-insist siyang ihatid ka, hindi ka din pumayag. Kadalasan naman kapag may gusto maghatid sayo, pumapayag ka." sabi ni Kuya.

"Wala. Masama lang talaga pakiramdam ko kahapon." pagsisinungaling ko.

"Ano!? Dapat sinabi mo sa akin kahapon. At mas lalo ka dapat pumayag na ihatid ka ni Jace." tsk. Eto ayaw ko kay Kuya eh. Pag nalaman na may sakit ako, bigla-biglang natataranta.

"Kuya, wag kang OA. Sumama lang pakiramdam ko, okay?" sabi ko sa kanya.

"Fine. Dito na tayo magpapractice, okay? Para di ka masyado mapagod. I will just text them." sabi ni Kuya. Saturday ngayon, kaya may practice kami.

"Anong oras practice?" tanong ko sa kanya.

"1 pm. Sige na. Magbreakfast ka na." sabi ni Kuya sa akin. Kaya kumuha ako ng plato tapos naglagay ng bread and ham. Sa may garden kasi ako lagi nagbe-breakfast. Nung palabas na ako, may napansin ako sa gate namin.

"Kuya! Lagot ka kay mommy at daddy." sabi ko sa kanya habang nakatingin pa din sa gate. Nandito pa din ako sa loob ng bahay. May bintana kasi, kaya nakikita ko yung gate.

"Bakit?" sabi ni Kuya tapos lumapit sa akin.

"Press. Dami. Patay." sabi ko kay Kuya. Putspa!

"Ha? Ano bang pinagsa-- oh sht!" sabi ni Kuya nung nakita niya yung tinutukoy ko. Tapos bigla siyang nag-dial sa phone niya.

"Hello? -- There's a lot of medias outside our house. -- I know. But can you send us some guards? -- Hurry up. -- I still need privacy. -- Okay, fine. We'll have an interview tomorrow. -- bye." sabi ni Kuya habang may kausap sa phone. Siguro yun yung manager niya. Dalawa manager ni Kuya. Isang American, isang filipino.

"Kylee." sabi niya sa akin.

"What?" tanong ko sa kanya habang nakatingin pa din sa gate.

I'll Never GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon