MADISON's POV
"So, why did you chose to celebrate your anniversary here?"
"Well, para maiba naman. Masyado na kasi common kung ilalabas ko 'tong girlfriend ko para kumain sa isang restaurant." sagot nung guy na una namin pinagtanungan. 1st year anniversary daw kasi nila ng girlfriend niya eh. Ang sweet nga nila eh.
"How about you, miss? Why did you let your boyfriend bring you here for your anniversary?" tanong naman ni Jace doon sa girlfriend. Nakita ko naman ngumiti yung babae.
"You know what? Place doesn't matter at all. Kahit sa palengke niya pa ako dalhin okay lang. What matters most is, anniversary namin. Nagtagal kami ng one year. Yun ang importante sa akin. Actually, payag naman talaga ako kahit saan e, as long as kasama ko siya. Yung taong mahal ko." sabi niya. Fudge. Nakakainggit sila.
"Tss. Let's go." sabi sa akin ni Jace sabay kuha sa akin nung video cam. Tapos bigla siyang naglakad palayo. Anong problema niya? Psh.
"Jace! Teka lang! -- Ay, sir. Thank you po sa inyong dalawa." sabi ko dun sa unang nainterview namin.
"Hahaha! O'sige. Salamat din. Sundan mo na boyfriend mo, ija." sabi nung babae.
"Ay nako po. Di ko po boyfriend yung balugang lalaki na yun. Sige po, alis na ako. Salamat po ulit!" sabi ko tapos kumaripas na ako ng takbo.
Nasaan na ba yung lalaki na yun? Ang bilis naman mawala nun? Tyna! Ang laki laki ng Enchanted Kingdom oh. Saan ko hahagilapin yung baluga na yun?
*Tingin to the left..
*Tingin to the right..
*Tingin to the back..
Wth? Nasaan na ba siya!? Nakakagutom maghanap. Noong nakabili na ako ng juice tsaka nachos umupo ako dun sa isang bench. Maya-maya may lumapit sa akin na lalake.
"Hi miss." sabi nung guy tapos umupo sa tabi ko. Pero may konting espasyo pa naman.
"Ano 'yan kinakain mo?" tanong nya. Ang kulit naman nito.
"Bubog tsaka gasolina. Bakit? Gusto mo?" sabi ko tapos napangisi naman yung lalaki.
"Miss, gusto mo samahan nalang kita? Wala ka naman kasama e. Mahirap mag-isa dito." sabi niya. Gahd! Kulit naman nitong bubwit na 'to.
"Thanks but no thanks. I don't need your company. I can manage on my own. So, just leave." sabi ko sakanya. Pero hindi pa din siya umalis.
"I insist." tapos nginitian niya ako. Pero iba yung ngiti niya. Para sa akin, ngiting pangmanyak yun. Yak.
"You don't have to." sabi ko.
"Tara na miss. Sakay tayo ng rides. Tara." sabay hatak niya sa kamay ko. Nung magpupumiglas naman ako, lalo niya pang hinigpitan. Aray ah? Pulso ko yan, kuya!
"Ano ba! Biti--" naputol yung sasabihin ko kasi biglang may nagsalita.
"Hands off." sabi nung guy. Di ko makita e. Nasa likod kasi ako ni Kuya Manyak kaya unfortunately nakaharang likod niya.
"I said hands off. That's my.. girlfriend." teka. Ano daw!? Girlfriend? Sino? Ako? Weh? Dahi nacurious ako, gumilid ako para makita ko kung sinong 'langhiyang lalake ang nagsabi nun.
"I found her first. Go find your own girl." sabi ni Kuya Manyak. Ay grabe? Anong tingin niya sakin? Barya? Finders' keepers? Tadyakan ko 'to e.
"Casper!?" nagulat ako ng nakita ko kung sino yung lalaki. Girlfriend? Ako? OMG! Hahahaha.
"Let go of my girl. She's mine." sabi ni Casper. Woah. Ngayon ko lang siya nakitang naging ganyan ka-cold ah.
"Hahaha! Sorry, pero akin na siya." TEKA NGA! ANO BA ROLE KO DITO SA DALAWANG 'TO? MANIKA!? CANDY!? PWEDENG PAG-AGAWAN GANUN?
"You sure? We'll see. Let's have a fight." sabi ni Casper kay Kuya Manyak. AWAY!? FIGHT!? GULO!? Please, ayokong gumawa ng eksena dito!
"Sige ba." sabi ni Kuya Manyak. Kaya binitiwan niya muna ako. Edi syempre, gumilid na ako. Ayoko nga masuntok sa mukha.
"Mads! Takbo!" nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Casper. Nakng! HATAKAN SESSION BA 'TO!? Sakit na ng wrist ko e.
*takbo
*takbo
Sa wakas! Tumigil din sa paghatak-slash-pagktakbo si Casper. Grabe. Halos isang milya ata yung tinakbo namin.
"Badtrip *pant* ka.. *pant* A.. *pant* Akala.. *pant* ko.. Aray!" tignan mo 'tong lalaki na 'to. Hiningal na nga ako, binatukan pa ako. Akala ko ba girlfriend niya ako? Hahaha!!
"Ayu.. *pant* sin mo *pant* kas.. *pant* Aray!" gantihan lang. Sorry. Kaasar e. Ako kanina hinihingal lang, nabatukan na. Edi binatukan ko din siya. Para quits. Pero bago ako magsalita ulit, huminga muna ako ng malalim. Ayoko na mabatukan ulit.
"Nakakaasarkatinawagmonangaakonggirlfriendngwalangpermisotaposngayonhahatakinmoakobiglabigla!?" sabi ko. Alam kong di niya ako naintindihan kasi bigla siyang nagpoker face. Sabi ko nga, uulitin ko e.
"Sabi ko, nakakaasar ka. Tinawag mo na nga akong girlfriend mo ng walang permission galing saken, ang lakas pa ng loob mo hatakin ako bigla." and now is the time para ako naman ang magpoker face.
"Whatever. Let's go." sabi niya sabay hila saken.
"Stop, you bastard!" Ha? He? Hi? Ho? Hu?
--
A/N
Yo! HAHAHAHA! Updated ulit. :*
![](https://img.wattpad.com/cover/7708280-288-k26330.jpg)
BINABASA MO ANG
I'll Never Go
General FictionIsang babaeng walang ibang ginawa sa buhay kundi magpakatanga. ♥ Dejoke lang. This story refers to a girl who will experience many hardworks, challenges and sacrifices in her life. Pero kahit na ganun, she always have this one thing.