CHAPTER 1

28 2 0
                                    

LUNA'S POV:

'Sabi ko na eh, ako nanaman ang pagbibintangan.' Bulong ko sa sarili ko.

Napabuntong hininga naman ako ng maalalala kong muli ang lahat pangyayari.

*flashback*

'Angel Luna, pinatatawag ka ni Grand Maester ngayon, urgent daw.' Salubong sakin ni Sir. Ace, leader naming mga angels.

Naku, nakakaba naman lalo na pag si Sir. Ace ang nagsasalita. Ano nanaman kaya ang nagawa ko?

Agad naman akong lumipad papuntang Level 1. Habang lumilipad, ay napansin kong lahat ng nakakasalubong ko ay kung 'di umiiwas ay pinagbubulungan nila ako. Ano nanaman kaya ito?

Pagdating na pagdating ko sa gate ng Level 1, agad na akong in-approach ng anim na guardians, na lalo kong ikinakaba.

''Kanina ka pa namin hinihintay, ba't ngayon ka lang?" Tanong sakin ng isang guardian na babae. Medyo matangkad ito, kulot ang blonde na buhok, matangos ang ilong at mapula ang labi, siya si Felisha. Nginisian ko lamang ito.

Binuksan na nila ang pinto ng Angel's Court Room, wala namang bago. Sanay na ko dito, lagi ba naman nila akong tawagin dito sa tuwing may nagagawa ako, na hindi ko naman alam na labag pala sa rules.

Makikita mo ang pitong malalaking Gintong upuan na nakapalibot sa bilog na lamesang ginto. Mukha itong 'halo'. Sa gitna nito ay may isang upuan na inihain para sa akin. Kulay asul ito, at napapalibutan ng mga gold feathers. Sinisimbolo ng kulay asul na upuang ito ang pagkakaroon ng konsensya at pagsasabi ng totoo, samantalang ang mga gold feathers ay sumusimbolo sa pagighing banal naming mga anghel.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon