CHAPTER 14

10 2 0
                                    

LUNA'S POV

At eto na nga, nasa isang Bar ang buong Grade 12 dahil nga birthday ni Angel.

Invited lahat ng Grade 12 mula section A hanggang section C.

Pagbukas palang ng pinto ay maririnig mo na ang nakakabinging music. Maamoy mo na din ang alak at sigarilyo. Pati na din ang amoy ng pawis ng mga taong walang pagod sa pagsasayaw.

Napakagulo. Ang daming ilaw na kumikislap-kislap. Pula, dilaw, berde, at puti. Nariyang bigla-biglang may tumatakbo, at meron namang mga lasing na nagtatawanan sa gilid.

Mga taong gumigiling, sumasayaw, tumatalon. Mapababae, o mapalalaki, lahat ay nagsasaya, kinakalimutan ang lahat ng nasa labas ng kwartong iniindakan nila.

Dumaan ako sa gilid, kung saan wala masyadong tao.

Umupo ako sa isang vaccant na upuan. Mag-isa ko lang.

Ng may napadaang waiter.

''Kuya!'' Tawag ko dito.

Lumapit naman ito agad. Matangkad ang waiter, pero naka-mask itong black, kaya di ko nakita ang mukha.

''Ano po yun ma'am?'' Tanong nito sa akin.

Teka, parang narinig ko na boses nito eh. Di ko lang matandaan kung saan.

''Uhm. Nakita mo ba yung birthday girl?'' Medyo pasigaw kong sabi dahil sa lakas ng music.

''Si Ms. Angela po ba?'' Tanong nito.

''Ay hindi..'' Sabi ko.

''Po?'' Sagot naman niya.

''Sabi ko oo!'' Sigaw ko ulit.

''Hindi ko pa po nakikita eh.'' Sabi niya at sabay umalis.

Kumain lang ako, habang pinapanood ang mga taong nag-eenjoy sa harap ko.

Tumayo na ako at naglakad. Uuwi na sana ako, pero biglang humarang yung walong itlog at si Nico.

''San ka pupunta?'' Pasigaw na tanong ni Nico.

''Uuwi!'' Sigaw ko din.

''Pero hindi pa tapos.'' Medyo pasigaw ding sagot ni Hiro.

''Hindi ka ba nag-eenjoy?'' Tanong ni Mac.

Napatingin naman ako sa kambal na Nathan at Noel. Mga lasing na ata at kumakanta ng twinkle-twinkle.

''Ang baho dito! Paano ako mag-eenjoy?'' Sigaw ko.

Bad trip ang ingay kasi kaya sigaw ako ng sigaw.

Magsasalita pa sana si Ryan, pero biglang humina ang music at tumigil sa pagsasayaw ang mga tao.

Napatingin naman ako sa kaliwa ko, at napatingin sa isang lalaki.

Yung waiter kanina. May hawak itong tray at may lamang dalawang baso. Nakatayo lang ito at nakatingin din sa stage.

''Good evening everyone!'' Masiglang bati ni Lhia.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon