CHAPTER 5

21 0 2
                                    

LUNA'S POV

**flashback**

"Oh unang araw, este gabi mo dito sa earth, alam mo naman na siguro gagawin mo diba?" Tanong sakin ni Yohann, isa sa mga guardian.

Gabi na sa earth na bumaba kami. Wala ng tao. Tahimik ang paligid.

''Opo.'' Malungkot na tugon ko.

''Bakit ka malungkot?" Tanong ulit nito sakin.

'Bakit ako malungkot? Natanong mo pa, eh inalisan niyo lang naman ako ng pak-pak, puro lakad nalang gagawin ko. Tapos yung hairlalu ko. Bakit??!! Huhuhu! Naging itim na. Blonde to dati, ngayon di na. Tapos, ngayon tao na ko! Sa loob pa ng isang daan na taon. Sino ba namang matutuwa diba?'

Pero siyempre di ko sinabi yun. Edi lalo akong di nakabalik sa taas.

''Wala po.'' Ito lang ang tangi kong sagot.

''Wag ka nang mag-alala, meron na kaming naihanda para sa lahat ng pangangailangan mo. Pati identification mo nagawan na ng paraan.''

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon