CHAPTER 21

3 0 0
                                    

LUNA'S POV

**Kinabukasan**

Umagang-umaga ay pumasok na ako.

Pagdating ko sa classroom ay nakita ko si Ice na mag-isa sa room.

Ang aga naman niya, grabe ang sipag!

Pumasok na ako at umupo sa upuan ko.

Tahimik lang kami, walang imikan at walang pansinan.

Pero nangangati na talaga dila ko na tanungin si Ice.

Pagchismis pa man din ay nagiging desperada akong malaman ang buong kwento.

Kaya naman.....

''Ice!'' Sabi ko. Medyo napalakas ata at nagulat siya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay.

''He-he-he, uhm ano. Bakit ka andito sa lupa?'' Tanong ko ng medyo nakataas din ang kilay.

Hindi niya ako pinansin at inabot niya yung bag niya. Tinitignan ko lang yung ginagawa niya. Binuksan ni Ice yung bag niya at may kinuha. Inilabas niya yung earphones niya at isinaksak sa phone niya.

Loko 'to ah. Kinakausap tapos mag-e-earphones!

Famous?! Famous?!

Snobban genern?

''Hoy Ice!'' Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

Aba't loko talaga 'to ah.

''Ay anak ng!'' Sigaw ni Ice.

Hahahaha.

''Ba't mo hinila?! Baliw ka ba?!'' Reklamo niya.

Hinablot naman niya sa kamay ko yung earphones niya. Medyo napalakas yata yung paghila ko ng earphones niya at namula yung tenga niya.

''Tignan mo ginawa mo! Putol na!'' Inis na sabi niya.

''Ay hala. Hihihi, sorry.'' Sabi ko. Medyo nahiya naman ako sa ginawa ko.

''Papansin!'' Sigaw niya ulit at sabay tumayo.

Aba't sobra ka na ha!

Kanina mo pa ako sinisigawan!

Maglalakad na sana siya papalayo pero tu,ayo din ako kaagad at tumakbo para harangan siya.

Lalo namang kumunot noo nito at itinaas niya ang kamay niya at saka itinulak yung mukha ko papalayo sa kaniya.

''Ouch!'' Sabi ko, pero hindi niya ako pinansin.

''Hoy!'' Sabi ko pero dire-diretso siyang naglakad papuntang pinto.

''Hoy!'' Sigaw ko ulit pero wala.

Sa kadesperadahan kong malaman ang katotohanan para malaman ang tunay niyang pakay dito eh..

He-he-he.

''Aray ko po!'' Halos mapasubsob yung mukha niya sa pintuan ng ibinato ko yung sapatos ko.

''Bakit ba?! Inaano ba kita huh?!'' Sigaw na sabi niya at saka lumakad pabalik sa akin.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon