CHAPTER 6

14 1 0
                                    

LUNA'S POV

Lumipas na ang isang linggo kasabay ng paglipas ng tigyawat ko. Minahal ko kasi ng sobra, kaya 'yan tuloy, iniwan din ako. Chos!

Lunes na naman. Hindi ko pa din nakikita ang huling pitong Fallen dito sa school na ito.

Sabi kasi ni Sir. Ace pito nalang daw ang kulang ko, at dito daw sila sa Heaven University pumapasok. Ang hirap naman nilang hanapin, dahil hanggang ngayon ay wala pa din silang clue kung sino dito sa school ko ang mga Fallen.

Pagbaba ko ng kotse ko ay napansin kong nagtitinginan silang lahat sakin.

Tinignan ko naman sa salamin ng sasakyan ko kung mayroon ba akong tagos, pero wala naman.

Problema ng mga ito?

Tinignan ko ang buong itsura ko sa tinted window ko. Maayos naman ang pagkaka ponytail ko sa buhok ko. Maayos din naman tong polo at vest ko. Pati na din tong palda ko.

Ikinibit balikat ko nalang at dire-diretso na akong pumunta sa classroom at umupo sa upuan ko.

Nagtinginan din naman ang mga kaklase ko sa 'kin.

Bakit ba kasi?

Kinalabit naman ako ng katabi ko.

''Transferee ka ba dito? May naka-upo na kasi diyan eh.'' Sabi sakin ng babaeng ito, na kamakailan lang eh pinandidirihan ako.

Ahhhh....
Gets ko na.....

''Eh ako lang naman naka-upo dito eh. Parang isang linggo lang 'di mo na ko matandaan. Ako si Luna no! Hello?? Anyare?" Sabi ko. Gulat naman ang mga itsura nila.

Oh ano, edi nganga kayo?

NICO'S POV

Nakatulala ako ngayon at pinagmamasdan ang mukha ni Angela.

Shocks! Bakit kasi ang ganda mo. Bagay na bagay ang pangalan nito dahil sa malambing at mahinhin nitong pagkatao.

Bagay na bagay talaga tayo.

Natigil naman ang pagpapantasya ko ng napansin kong napatingin si Angela at ang mga kasama niya sa harap, kaya naman tumingin din ako.

Laglag panga naman ako, pati nadin ang iba pa, lalong lalo na ang mga lalaki.

Isang napakagandang nilalang ang pumasok sa classroom namin. Naliligaw ata.

Straight body itong lumalakad na nagpa-enhance sa pagiging matangkad nito. Ang puti at ang kinis ng balat niya, mula ulo hanggang paa.

Naka suot ito ng uniform namin.

Polong kulay itim, na may manipis na ribbon na kulay white. Vest na kulay itim at may lining na puti. At ang nagpacute pa sa kanya ay ang palda niyang above the knee. At katulad ng pang-itaas nito ay plain black din ang kulay nito at may lining na puti

Nakatali ang mahabang itim na buhok nito na lalong nagpaputi sa kanya at medyo namumula pa ang labi at pisngi nito.

Ang ganda talaga! At napaka-amo ng mukha.

Dire-diretso itong naglakad papunta sa upuan namin, at umupo sa tabi ko. Aba, na type-an ata ako nito at ngumiti pa sa 'kin. Siyempre, nginitian ko din siya.

Kinalabit naman ito ni Angela, na halatang namamangha din sa ganda nito.

At lalo pa kaming nagulat ng nalaman naming si 'mangku' (mangkukulam) pala ito.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon