CHAPTER 8

13 1 0
                                    

LUNA'S POV

Maaga akong dumating ng school, mg 6 am andito na ko sa classroom. P.E uniform kami ngayon, kaya naman excited akong pumasok.

Wala pang katao-tao kaya natulog naman ako.

Nagising naman ako dahil may mga naririnig akong nagbubulungan. Nakayuko pa din ako hanggang ngayon. Nagtatawanan ang iba at ang ilan, ay nagadadaldalan.

Bumangon naman ako at napatahimik ang lahat.

Super power ko na yata 'to. Sa tuwing gumagalaw ako ay tumatahimik nalang bigla ang mga tao.

''Bakit??" Iritang tanong ko kay Nico.

''Huwag mo nga kong kausapin.'' Iritang sagot nito sa 'kin.

Taray nito. Meron ka ba ha?

''Uhm, Luna may nakadikit kasi sa likod mo.''- Angela.

''Huh?" Inabot ko naman ang likod ko at may nakadikit ditong papel. Kinuha ko 'to at binasa.

'''MANGKUKULAM PO AKO''' Nagtawanan naman ang ilan. Pati tong dalawang katabi ko. Alam ko naman kung sinong gumawa nito eh, malamang si Lhia.

Nginitian ko lamang siya. Naiinis naman ito lalo, at inirapan pa ko.

**lunch break**

Himala at hindi pa ko gutom ngayon. Tinatamad akong tumayo ng upuan. Inihiga ko naman ang ulo ko sa desk.

3

2

1

At gaya nga ng inaasahan, ay may dumating na namang lalaki sa pintuan namin at hingal na hingal. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Nico. Nagseselos ata.

Tumayo na si Angela para kunin ang lunch box. Katulad din kahapon, ngiti, tanong ng nakangiti, nagpaalam ng nakangiti, umupong nakangiti, ngiti. Bow.

Nahuli ko nanamang nakatingin sa 'kin si Lhia at nakangiti.

FYI. Di ako naiinggit no.

Kumakain na ang lahat pwera sa akin. Grupo grupo ang lahat ng tao sa eskwelahan pero ako, as usual forever alone. At dahil diyan...

Naniniwala na ako sa forever. Namimiss ko tuloy mga kaibigan ko sa langit.

Haaaaayy...

Napalingon naman ang lahat ng nagkaroon ng ingay sa labas ng classroom. Nakayuko ako ngayon sa desk ko, at naririnig kong nagkakagulo sa may pinto.

''Diba mg section B yan?'' Tanong ng isa kong kaklase.

''Nakakatakot.'' Sabi naman ng isa.

''Uy Angela, mga manliligaw mo ata, puro may dalang lunch oh!" Kinikilig na sabi ni Lhia.

''Badtrip.'' Rinig ko namang bulong ni Nico. Tulad ko ay hindi pa 'to kumakain. Pero kanina ko pa naririnig tiyan niya.

''Ang gwagwapo talaga ng section B.'' Kinikilig na sabi ng isa pang babae.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon