CHAPTER 3

16 1 0
                                    

Kinabukasan ay pinatawag ulit ako sa Angel's Court Room.

Ano na kayang desisyon nila?

Nakaupo lang ako dito sa asul na upuan na ito habang hinihintay magsalita ang mga guardians.
  

Tanging ang paglilipat ng mga pahina ng mga guardians ang naririnig sa buong Court room.

Flat na ata pwet ko dito sa tagal nilang magbasa, at sa tagal dumating ni Maester at nina Hodor at Felicia.

Nagbibilang ako ng mga golden feathers ng magsitigil ang lahat sa pagbabasa at nagsitayuan. Agad din naman akong tumayo at yumuko sa pagdating ni Grand Maester. Nakakasilaw talaga ang tuktok ng ulo nito. Pano kaya siya nagkaroon ng Halo?

Sumeniyas naman si Hodor at umupo na ang lahat.

'' Luna, huling pagkakataon mo na ito para magbago pa ang desisyon mo.'' Seryosong sambit sakin ni Hodor.

Uy, may chance pa ako. Sige babawiin ko na nga. Hahaha.

''Napag-isipan ko pong-'' bigla akong matigil ng marinig kong muli ang boses ni Marie. Ang huling salitang sinabi miya sakin.

'Paki-usap' paulit-ulit ko itong naririnig.

''Luna?" Inip na tanong ni Martha, na halata mong naiinis na dahil sa tagal kong sumagot.

''Uhm...ano, ah-eh" nauutal ko namang sagot.

Lahat sila ay nagtaas ng kilay, malamang kung hindi lang nakakasilaw si Grand Maester ay makikita mong nakataas din ang kilay nito.

''Napag-isipan ko pong... panindigan ang sinabi ko sa inyo kahapon. Opo inaako ko ang kasalanan ni Marie." Pikit mata kong sagot sa kanila.

Katahimikan ang naririnig ko. Nakapikit pa rin ako ngayon. Parang may lumilipad na mga paru-paro sa tiyan ko. Nang biglang may nagpalak-pakan. Isa isa kong minulat ang mata ko at nakita kong nagpapalakpakan ang lahat.

Huh?? Anong nangyayari dito? Napalunok na lamang ako. At kinabahan lalo ng nakita kong tumayo si Felisha. Tumigil na din ang palak-pakan at naglabas ng isang scroll si Felisha at binuksan ito.

''Dahil sa tapang ng iyong loob ay naatasan kang maging isang Class B Guardian. Karapat-dapat ka dito dahil, sa halip na matuwa ka at napawalang sala ka, ay naawa ka pa sa anghel na nagpahamak sa iyo dito at hindi lang 'yonhanda ka pang isakripisyo ang pak-pak mo para dito.''

''Ngunit, dahil inako mo ang kanyang kasalanan, ay kailangan ka pa ding parusahan. Pero hindi ka mawawala sa kawalan." Sabi ni Felisha

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon