CHAPTER 20

17 2 2
                                    

LUNA'S POV

Usap-usapan pa din sa klase yung naging desisyon kanina kung sino ang magiging representative ng klase.

Natigil lang ang pagchichismisan ng nagbigay ng quiz si ma'am.

Pero parang ako lang ata yung nagulat.

****

Ano nga ulit to?

Nabasa ko 'to eh.

Takte! Bakit kasi walang nagsabi sa aking may quiz. Math pa man din.

Paano ulit yun?

Badtrip!

''Two square root of 5." Napatingin naman ako kay Nico.

''Huh?'' Bulong ko.

''Two.square.root.of.five.'' ulit niya.

Huh?

Ano daw?

Nakatingin pa din ako sa kaniya, pero patuloy lang siya sa pagsasagot.

''Bwisit.'' Bulong niya.

Nagulat naman ako ng pumunit siya ng maliit sa scratch paper na pinagsosolvan niya, at nagsulat.

Nakakunot noo nito, na parang naiirita.

Pasimple naman niyang inilapag sa lamesa ko yung kapirasong papel.

''2√5 sagot sa number 1.''

Aahh!

Napangiti naman ako, dahil sa wakas may sagot na ako.

Nang naisulat ko na yung binigay na sagot sa akin ni Nico, eh tameme nanaman ako.

Wala eh. Kahit ilang beses kong pag-aralan ang math, hindi bumabaon sa utak ko.

Kaya eto, nakatingin lang ulit ako sa papel ko at naghihintay ng himala na baka mapuno ng sagot 'tong papel ko.

Tinignan ko ulit si Nico.

Tumingin naman siya sa akin at nagtaas ng kilay.

Nginitian ko lang siya at itinaas-baba ang kilay ko.

Mukhang hindi niya na-gets yung ibig kong sabihin.

Nginuso ko yung papel niya para manghingi ulit ng sagot.

Pero, inilayo niya yung tingin niya sa akin at namula.

Ano ba akala nito?

Hinintay kong pumunit ulit siya ng papel para magbigay ng sagot, pero nagring na ang bell at wala pa din siyang iniabot sa akin.

Haay...

Isa lang tuloy sagot ko.

Tsk.tsk.tsk.

Hayaan ko na nga, atleast may score ako sa number one, yun nga lang ten items, taz isa lang sagot ko.

Siguro naman tama yung sagot na ibinigay niya sa akin.

Nang naipasa na namin yung mga papel namin ay idinismis na kami.

''Hoy!'' Kalabit ko kay Nico.

Pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

Awkward...

''Thank you!'' Sabi ko.

Tumingin siya sa akin at nginitian ko naman siya.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon