CHAPTER 16

21 2 2
                                    

ICE'S POV

**FLASHBACK***

Pagkatapos ng laban namin ni Luna sa lupa ay nagising nalang ako na nasa may tabi ko na ang Angel's pit, kung saan tinatapos ang buhay naming mga fallen.

Wala talagang alam yung babaeng 'yon!

Bumangom ako ng dahan-dahan. Hahawakan ko sana ang ulo ko pero napigil ako
ng isang kadenang nakatali sa kamay ko.

Tinignan ko ang buong katawan ko.

Huh?

Bakit parang...

Hindi pala ako nakahiga, kung hindi nakatayo at nakatali sa isang poste. Nakatali ang mga kamay ko sa magkabilang dulo ng naka-ekis na poste. Gayun din ang mga paa ko.

Ang mga pak-pak ko naman ay nakabuka at nakapako.

Napatingin naman ako sa hatap ng may nagsalita.

''Ice Pavlon, ikaw ay nagkasala sa harap ng kataas-taasang hukuman. Ikaw ay nakagawa ng kasalan hindi lamang sa kapwa mo, kung hindi pati na din sa mga tao.'' Panimula ni Felisha.

Nagsitayuan naman ang mga Guardians at tumayo palibot sa harap ko.

Yumuko naman ang mga anghel na kasama nila, at saka sabay-sabay na nagsalita.

''Bilang kaparusahan sa iyong mga nagawa, ikaw ay aalisan ng isang pak-pak. Tanda ng mga kasalanang hindi mo dapat ginawa.''

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon