CHAPTER 10

17 0 0
                                    

SOMEONE'S POV

''Uy, si Raven oh!" Napalingon naman ako sa direksyong itinuturo ng kasama ko.

Nagbalik na pala ang pak-pak ni Luna.

Ito na nga ang sinasabi ko eh. Baka makabalik na si Luna sa taas.

Hindi pwede 'to.

Agad naman namin sinundan sa paglipad si Luna.

''Patay ka sa 'kin ngayon.'' Nakangising sabi ng kasama ko. Agad nitong itinaas ang kanang kamay niya.

''Teka!" Saway ko sa kanya, pero huli na ang lahat.

Napawala niya agad ang kalahati ng pak-pak ni Luna.

Nakita ko naman ang pagkagulat ng babaeng anghel na ito nang biglang nawala ang kanyang pak-pak.

Hindi ko naman namalayan na muling itinaas ng kasama ko ang kamay nito.

Agad namang bumagsak si Luna.

''Ano bang ginagawa mo?!'' Halos pasigaw kong tanong sa 'kanya sabay hila sa kanya pababa.

''Wag kang ano! Di naman mamamatay yan!'' Sigaw nito sa 'kin.

''Paano kung..'' Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko at biglang may sumigaw sa baba.

''Tara na!" Sabay hila ko sa kasama ko.

Umalis na kami sa lugar. Umuwi na ako samantalang pumunta naman ang kasama ko para magreport.

Nasa kwarto na ko at nakahiga.

Ano bang meron sa babaeng 'yon, at kailangan naming pigilan ang pagbalik niya sa taas.

**tok**

Ha? Ano yun. Tinignan ko ang paligid ko.

**tok**

Napatingin ako sa bintana ko.

**tok**

Ay leche, pag nabasag lang 'to patay ka sa 'kin kung sino ka man.

HIRO'S POV

Pauwi na sana ako, nang maalala kong na kay Ryan pala ang yung bola ko.

Hinihiram pa man din ng kapitbahay ko.

Kaya naman nag u-turn ako, at pinaharurot ang sasakyan pa balik sa bahay nila Ryan.

Patay, tulog na ata sila.

Napakadilim naman pala ng lugar ni Ryan kapag gabi na. Wala man lang street lights.

Tulog na din ata ang mga magulang nito dahil patay na ang mga ilaw ng bahay nila.

Tumalikod na ko at humakbang na papalayo, ng biglang lumiwanag.

Tinignan ko naman ulit ang bahay nila, at sakto, bukas ang ilaw ng kwarto ni Ryan.

Kumuha naman ako ng bato at inihagis iyon sa bintana niya.

**tok** pero di niya ata napansin.

**tok** isa, dalawa, tatlo

**tok** mukhang di niya pa rin napapansin.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon