CHAPTER 13

9 1 0
                                    

RYAN'S POV

Nakakapagtaka na hindi na pumapasok si Ms. Navarro.

Ilang linggo na ang lumipas mula noong huling nagkita kami.

At isa pa wala man lang ni isa sa mga estudyante sa school ang naghahanap sa kanya.

Ibig bang sabihin nito, wala na siya sa lupa?

****
Naglalakad ako sa may hallway, at nakita ko si Luna kasama nanaman ni Hiro at Nico. Nakatayo sa may pinto ng classroom ng section A.

''Hoy!" Sigaw ni Hiro at kumaway ito sa akin.

Tumakbo naman ako papunta sa kanila.

''Anong meron?'' Tanong ko sabay ngiti.

''Magkakaroon daw ng ng programme ang school.'' Sagot naman ni Hiro.

''Eh ano naman kung magkakaroon ng programme eh lagi namang meron noon sa school?'' Tanong ko ulit.

''Magpapapasok daw sila ng ibang school dito at mga outsiders.'' Sagot naman ni Luna.

''Edi maganda!'' Tuwang tuwang sabi ni Nico sabay palakpak pa.

''Oo nga, masaya yun, madami tayong mamemeet na ibang tao.'' Nakangiti kong sagot.

''Ewan ko lang ha, pero di maganda pakiramdam ko dito.'' Sabi naman ni Luna.

''Bakit naman?'' Tanong ni Hiro.

''Wala, basta.'' Sagot ni Luna sabay talikod at naglakad pabalik ng room.

Pwede 'tong pagkakataon para maputulan namin ng pak-pak si Luna. Pwede naman palang pumasok ang mga outsiders.

Pwede ko sila papuntahin dito.

Tama.

*******

LUNA'S POV

Mabilis na natapos ang klase.

Hindi ko nakasabay kumain yung walong itlog, at naging busy naman si Nico dahil siya ay isa sa mga officers na naatasan mag-organize ng darating na event.

Palakad na ako palabas ng campus ng may biglang nag-cling sa braso ko.

''Ay putik!'' Napsigaw ako sa gulat.

Napalingon naman ako sa kabila kong braso at may nagcling ulit dito.

Sina Angela pala at Lhia.

''Anong kailangan niyo?'' Mataray kong tanong sabay hinto sa paglalakad.

''Bati-bati na tayo.'' Sagot ni Angela.

Huh?

Wala man lang sorry?

Kapal ha.

''Bakit?'' Tanong ko ulit, at sabay alis ng kamay ko sa hawak nila.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon