CHAPTER 11

29 2 2
                                    

LUNA'S POV

Tinignan ko lang si Ms. Navarro buong klase. Ni ang pagquiquiz ngà ay di ko nàgawa.

Halata namang ramdam niya ang pagmamasid ko sa kanya dahil maya't maya niya akong tinitignan at tinataasan ng kilay.

**kriiingggg***

Sa wakas, tapos na ang klase. Maari ko ng simulan ang pagpaplano kung sa paanong paraan ko ibabalik sa Angèl's City 'tong teacher ko sa English.

Patayo na sanà ako ng bigla niya akong tinawag.

''Ms. Raven, sumunod ka sa 'kin.'' Nakataas pa din ang kilay ni Ms. Navarro ng tawagin niya 'ko.

Sumunod naman ako sa kanya.

Paano kaya kita bàbàunàn ng Flame?

Naglalakad kami sa hallway at lahat ng nasasalubong namin ay pinagtitinginan ako.

Badtrip na bangs!

Oo na! Puti na bangs ko. Ngayon lang ba kayo nakakita ng puting bangs?

Malamang naman oo Luna. Sino ba namang matino ang magpapakulay ng bangs lang? Taz puti pa diba?

Meron naman ah! Mga artista, o kaya foreigner?
Artista ka ba? Hindi diba. Wierd kaya ng taong puti ang bangs tàpos black naman buhok.

Ahh!
Kunyari nàlang nainspire ka sa kulay ng uñiform mo.
Tama! Ganon nalang.

Napatigil naman ako sa pakikipag-away ko sa sarili ko nang mapansin kong hindi kami sa faculty pupunta.

''Ma'am, saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

Nasa likuran niya kasi ako kaya naman kinalabit ko siya, pero di niya ko pinapansin. Patuloy lang siya sa paglalakad papuntang rooftop dahil papaakyat kami ng hagdan ng rooftop.

Nasa hagdan na kami, at hanggang ngayon ay 'di pa rin niya ako kinakausap.

''Ma'am, aano po ba tayo dito sa rooftop?" Muli kong tanong sa kanya, pero wala pa din itong sagot.

Kinakabahan na ako. Alam na kaya niya na nakita ko siya at yung estudyante kanina?

O alam niya kayang alam kong isa siyang Fallen?

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan papalabas ng rooftop ay nagulat ako sa nakita ko.

Bloodyhell!

S-siyaa yung e-estudyante kanina.

Yung kasama ni Ms. Navarro kaninang umaga.

*click!* napalingon ako sa likod ko at nakita kong isinara ni Ms. Navarro yung pintuan.

''M-ms. Navarro..'' Napalunok naman ako ng lumakad siya papalapit sa 'kin.

Nakatulala lang ako sa 'kanya. Huminto siya sa harap ko at ngumiti. Inalis niya ang kanyang salamin at naglugay ng buhok.

Hindi ako makagalaw sa takot.

Bakit ganoon? Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding takot sa isang fallen?

Lumakad ulit siya at nilagpasan niya lamang ako. Sinundan ko naman siya ng tingin.

Lalo akong kinilabutan sa ginawa niya.

Dahan-dahan niyang inalis ang mga butones ng uniporme ng estudyanteng nakabigti sa pole ng school.

Nakadilat ang mga mata ngunit Wala ng buhay ang estudyante.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon