CHAPTER 22

7 1 0
                                    

LUNA'S POV

Ngayong araw magsisimula ang event, and as usual, abala ang lahat.

''Oh, mag bihis na kayo, dali!'' Sabi nung baklang nagmamanage sa aming lahat na representative.

Binigay niya sa amin yung costumes namin. Nagtinginan naman kami ni Ice, dahil ang pangit nung angel wings na ibinigay sa amin, mukhang sinasabotahe kami ah.

Dumating naman si Mr. Corpuz, para tignan kami ni Ice.

''Oh! Bakit?! Anong nangyare sa mga pak-pak niyo?!'' Medyo pasigaw niyang sabi at sabay sabunot sa buhok niya dahil sa inis.

''Eto binigay nila eh.'' Sabi ko.

''Gagawan ko ng paraan, sa ngayon, mag ayus na kayo.'' Sabi ni sir sabay lumabas ng pinto.

Pinagtitinginan naman kami ng mga ibang representarives, at nagbulung-bulungan.

'''Wag mo nalang pansinin.'' Napatingin naman ako kay Ice sa sinabi niya.

''C.R. lang ako ha.'' Sabi ko at saka tumakbo.

******
RYAN'S POV

''Asan na ba kayo?''

''Papunta na!''

''Kasama mo ba lahat?''

''Oo nga!''

''Sasalubungin ko kayo sa gate ng school namin.''

''Oo, sige na!''

Binabaan na naman ako ng phone ng kausap ko.

Loko talaga yun!

Sa wakas may chance na para maipagpatuloy yung misyon namin.

Naglalakad na ako papuntang gymnasium upang puntahan yung mga kaklase ko pero nakasulubong ko si AngelA.

Nginitian niya ako, at nginitian ko siya.
Nginusuan naman niya ang nasa likuran ko kaya tinignan ko kung sino yung tinuturo niya.

''Luna?'' Sabi ko, at huminto sa paglalakad. Huminto din si Angela at tumabi sa akin.

''Ano nanamang plano mo?'' Tanong ko.

Ngumisi eto at nagtaas ng kilay.

''Hindi ba, inalisan ko siya ng pak-pak dati?'' Sabi niya. Napataas naman kilay ko.

Aah, naalala ko na.

Yun yung time na nagkaroon bigla ng pak-pak si Luna at pagkatapos, eh inalis din niya nung lumilipad si Luna.

''Oh? Eh ano ngayon?'' Sabi ko.

''Pwes, ibabalik ko.'' Sabi niya at naglakad ulit papuntang C.R.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon