CHAPTER 19

20 2 2
                                    

LUNA'S POV

Nakakahiya!

Kita na nila kaluluwa ko!

Nakatapat ako sa may whole-body mirror sa kwarto ko, at tinitignan ang itsura ko.

Badtrip! Bakat pala under garments ko, kulay pink pa man din.

UGH!

Ilang beses pa sila nagdoorbell pero hindi ko na sila pinagbuksan.

Bwisit talaga!

Nagkulong nalang ako sa kwarto, at di na lumabas.

Lumipas ang ilang oras. Tahimik na ang bahay ko, wala na siguro yung mga asungot.

**cruuuuuuggg.**

Hay. Makabangon na nga.

Nagpalit na ako ng damit para lumabas at bumili ng pagkain.

Dire-diretso akong naglakad at binuksan ang pinto.

''Ay palaka!''

''Aray ko po.''

Bumangon na man ako kaagad, sa kaba na baka may nakakita sa akin.

Kainis!

Ang pangit ng araw ko ngayon!

Tinignan ko naman yung bagay na nakaharang sa pinto ko at naging dahilan ng pag-di-dive ko sa floor.

''Huh?''

Nakakapagtaka. Sino nag-iwan ng mga ito?

Tinignan ko ang nakalagay na note sa mga groceries na nasa harap ko.

''Sorry.''

Hmph.

Malamang sila nag-iwan nito. Tumayo na ako at kinuha ang mga groceries at pumasok na ulit sa loob.

Dalawang plastic bag din ito. Sa isang plastic ay May mga prutas, loafbread, tatlong bottled milk, may isang maliit na latang biscuits, at may palaman pang kasama.

Sa isa naman ay may oatmeal, at may isang maliit na box.

Binuksan ko ang box na ito, at napangiti.

Isang chocolate cake ito, ang paborito ko.

Ang galing manghula ah.

Grabe, ang sama ko pala kanina. Kawawa naman sila..

******

Dalawang araw akong umabsent at napagdisisyunang ngayong lunes na lang ako papasok.

Hanggang ngayon eh, natatakot pa din ako na baka maulit yung nangyari sa akin.

Hindi na din nagsipunta yung mga itlog dito sa bahay ko. Ayos na din 'yon, hanggang ngayon eh nahihiya pa din ako sa ginawa ko.

Haaayss.

Isang taon at limang buwan nalang pala ang natitira kong oras, at anim pang mga Fallen ang hahanapin ko.

Bumaba na akong kotse, at naglakad papuntang classroom.

Pero hindi pa man din ako nakakaakyat ng hagdan paountang room, eh nakita ko ang mga nagtatakbuhang mga estudyante papuntang court.

Umiral ang pagkachismosa ko at pinuntahan ko din yung court.

Nakipagsiksikan ako sa mga kapwa ko chismos't chismosa.

''Ano lalaban ka pa?!'' Sigaw ng isang medyo chubby na babae. Medyo maliit din ito, mahaba ang buhok at, kayumanggi ang kulay at mukhang nagagalit.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon