CHAPTER 12

15 1 1
                                    

LUNA'S POV

Anim pa...

Anim pang mga fallen, at makakabalik na ako..

Haayss... Lunes nañaman?
**tok!**

''Ouch." Napakamot naman ako sa noo ko. Lagi nalang ako binabato ng pentel pen ni Ms. Arra pag nahuhuli niya akong nakatulala.

Isang linggo na din ang nakalipas mula noong matalo ko si Ms. Navarro, si Aeris.

**kringggg!** sa wakas. Ang tunog ng kasiyahan.

''Tara na!" Kalbit sa 'kin ni Nico.

Lagi ko ng kasabay si Nico sa pagkain. Minsan kasama namin yung walong itlog.

Lagi kasing nagluluto yung nanay niya para sa akin, kaya naman lagi na din akong nagbabaon. Para pagdating ng tanghalian palit kami ng baon ni Nico. Ayaw niya kasi yung luto ni mama niya kaya naman pala hindi siya kumakain ng tanghalian.

''Ano baon mo?'' Tanong sa akin ni Nico.

''Hotdog lang niluto ko, wala ko sa mood magluto eh.'' Sabi ko sa kanya.

Inabot ko na yung lunch box ko, at as usual, luto ni tita ang kapalit.

******

Patapos na kami kumain ng dumating sa room sila Hiro, kasama sila Ryan at Mac.

''Sagliiiit!'' Sigaw ni Hiro ng nakataas pa ang kamay.

Dali-dali silang tumakbo at kumuha ng upuan para makiupo sa amin ni Nico.

''Oh!'' Napatingin ako kay Hiro dahil may iniabot ito sa akin.

''Huh?'' Nakataas ang kilay ko dahil sa pagtataka kung ano yung laman ng black na container.

Aabutin ko na sana, ng biglang..

''Akin na nga yan.'' Seryosong sabi ni Nico sabay kuha ng container.

Napatunganga naman si Hiro dahil sa ginawa ni Nico.

''Wow! Ano 'to?'' Masayang tanong ni Nico.

Kukutsarahin naman na niya sana ang laman ng biglang hinablot ito ni Hiro.

''Luna? Luna? Luna ba pangalan mo?!'' Mataray na sabi ni Hiro kay Nico.

''Patikim lang naman!'' Sabay tulak sa mukha ni Hiro.

''Eh hindi naman sa'yo 'to eh!'' Sigaw din ni Hiro at tinulak din niya ang mukha ni Nico.

''Akin na nga!'' Bulyaw ko sa kanila. Napatahimik naman sila at umayos ng upo.

Ngumiti naman si Hiro.

''Luna oh!'' Sabay abot niya sa akin nung container.

''Pahingiiii!''

Hindi ko napansin na may nakatusok ng tinidor sa cake. Sabay sinubo ni Nico yung tinidor.

Nanlaki naman ang mata ni Hiro sa ginawa ni Nico.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon