CHAPTER 23

12 1 4
                                    

LUNA'S POV

Ilang minuto na ang lumipas, pero nandito pa din kami sa cr ni Ice.

Kahit papaano ay naging maayos na ang pakiramda, ni Ice, at nakakusap na siya ng maayos.

''Paano na??'' Tanong ko.

Paano kami lalabas dito eh ni hindi kami magkasya sa bintana?

Paano na yung program, eh for sure nagstastart na yun?

Paano na ito? Yung mga pak-pak namin nakalabas na?

''Hindi ko alam.'' Sabi ni Ice na nakakunot noo pa at nakapikit.

Nagiisip yata siya kasi kanina pa siya palakad lakad, ng pabalik balik.

''Eh kung magpanggap nalang tayo na costume natin eto?'' Tanong ko ulit pero parang di niya ako naririnig dahil lakad pa din siya ng lakad.

''Kaso iisa lang pak-pak ko.'' Bigla niyang sagot, at napahinto siya sa paglalakad.

Tinignan niya ako ng nakakunot noo pa din, at umupo kaharap ko.

''Uhm.. Ano, sorry..'' Nakayuko kong sabi.

Naramdaman kong naginit ang mga tenga ko sa hiya ko kay Ice.

Kasalanan ko naman talaga kung bakit iisa nalang pak-pak niya eh,

''Wala na tayong magagawa, tapos na eh.'' Sabi niya at nang tinignan ko siya ay nakayuko din ito.

''Pwede magtanong?'' Sabi ko.

Tumayo siya kaya tumayo na din ako.

''Paano ka nakabalik dito sa lupa?'' Diretso kong sabi sa kaniya.

Tahimik lang siya at sumandal sa may pader, umupo naman ako sa may counter ng sink at tumingin sa kaniya.

''Haay..'' Pagbubuntong hininga niya.

''Pinabalik nila ako.'' Sabi niya, pero di pa din siya naka tingin sa akin.

''Huh? Bakit?'' Sagot ko.

''Para..'' Sabi niya at sabay hawak sa pak-pak niya.

''Para ano?'' Sabi ko naman.

''Para magbantay sa 'yo.'' Sabi niya. Pero ngayon eh nakatingin na siya sa akin ng seryoso.

''Bakit?'' Tanong ko ulit.

Kumunot naman lalo yung noo niya dahil ata sa dami kong tanong.

''May banta ang buhay mo dito.'' Sabi niya at lumakad papuntang sink, at pagkatapos ay binuksan niya yung gripo.

''Bakit?'' Tanong ko ulit.

''Bakit? Yun nalang ba sasabihin mo? Tama na nga! Tanong ka ng tanong.'' Sabi niya sabay patay ng gripo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon