LUNA'S POV
Nagmadali na akong kumilos. Late nanaman kasi ako.
Nahirapan akong matulog kagabi sa takot na maulit ang mga panaginip ko dati.
Kaya eto, takbo dito, takbo doon, mapabilis ko lamang ang pag-kilos ko.
Pasakay na ako ng sasakya ng biglang tumunog ang phone ko.
''Hello?''
''Good morning Ms. Raven!''
''Sir Corpuz?''
''Oo, si sir mo ito.''
''Bakit po?''
''Huwag ka munang pumasok ngayon.''
''Po?''
''Excuse ngayong araw, para makapagpahinga ka.''
''Papunta na po akong school, may report po ako ngayon eh.''
'''Wag ka ng pumasok. Baka kasi maulit yung nangyare sayo kahapon.''
''Pero po sir..''
''Mas mabuti na ang sigurado Ms. Raven. Sige, take care.''
''Sir?.. Sir?.. Hello?''
Langya talaga oh! Binabaan ako ng phone.
Matapos kong magmadali eh hindi naman pala ako papasok.
Haay.
Well, aalis pa din ako, buti nalang naka-P.E uniform ako ngayon. Gagala nalang ako.
Sumakay na akong kotse at nagmaneho papunta sa favorite pastry shop ko ang "Sweet Cravings''.
Minadali ko ang pagmamaneho. Naiisip ko palang ang oozing chocolate cake ng ''Sweet Cravings'' ay nae-excite na akong makarating sa shop na ito.
Pero, langya ulit!
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nadatnan ko. Sarado ang "Sweet Cravings.''
Tinignan ko ang nakapaskil na sign sa may pintuan: ''8:00am- 8:00pm, mon-sat.''
Putik!
Anong oras na ba?
Tinignan ko ang orasan ko 7:45am na pala. Unting minuto nalang ay magbubukas na ang shop.
Pumasok muna ako sa loob ng sasakyan ay hinintay ang pagbubukas ng shop.
BINABASA MO ANG
FALLEN
FanfictionIto ay kwento ng isang anghel na umako ng kasalanang hindi naman talaga niya ginawa. At bilang kaparusahan ay ibinababa siya sa lupa, at ginawang tao sa loob ng isang daang taon. Sa loob ng isang daang taon, kailangan niyang mahanap ang lahat ng mga...