CHAPTER 7

10 0 0
                                    

LUNA'S POV

**tok!**

''Aray ko po.'' Sabay kamot ko sa noo ko na tinamaan ng isang pentel pen.

Saan galing to? Tinignan ko naman ang mga kaklase ko. Lahat naman sila ay nakatinging sa akin.

Tinaasan ko naman sila ng kilay at tinignan ang pentel pen.

''Ms. Luna Raven! Nakakaantok ba ang klase ko?" Mataray na tanong ni Ms. Arra, History teacher namin.

''Hindi naman *yawn* po.'' Sabi ko sa kanya ng mahina.

''Tutal siguro naman eh alam mo na itong tinuturo ko kaya naman tinutulugan mo nalang, bakit, hindi nalang ikaw ang magkwento sa harapan.'' Sarcastic na sabi nito.

F.Y.I. lang ha. Halos lahat naman ng sinasabi sa history book ay pawang gawa-gawa lang yung iba. Lagi may sobra at laging may kulang. Walang sumasakto sa totoong kwento.

Haler?? Mas matagal pa kaya akong nabuhay sa inyo, mahigit isang libong taon na ako gumagala sa mundo niyo kaya malamang alam ko na mga tinuturo mo, nasaksihan ko kaya mga pangyayari nun.

Pati ilang beses umutot at nagkulangot mga yan alam ko.

''Sorry po ma'am di na po mauulit.'' Sabi ko at iniabot sa kanya ang pentel pen.

''Talagang hindi na mauulit.'' Supladang sumbat nito sa 'kin sabay irap.

Bumalik naman ako sa upuan ko at pinilit makinig sa lahat ng sinasabi ng matandang dalagang ito.

5

4

3

2

1

**riiinggggg**

Parang isang musica ang nairinig ko ngayon.

''Class dismissed.'' Rinig kong sabi nong teacher.

''Hay lunch na ulit!" Sabay tayo ko sa upuan at nag-inat.

Papa-alis na sana ako ng upuan ko ng may isang lalaki ang dumating sa classroom at hingal na hingal.

May dala 'tong lunch bag na kulay black.

''Ate!'' Tawag nito, lahat naman ng babae nagtinginan.

''Ate A-Angela, uh, ano.'' Nauutal na sabi nito.

Tumayo naman si Angela at lumapit dito ng nakangiti.

''Bakit?" Nakangiting tanong ni Angela.

''Para p-po sa i-inyo.'' Nakayukong sabi ng estudyante sabay abot ng lunch bag.

''Naku, salamat, nag-abala ka pa. Anong grade mo na?" Nakangiti pa ding tugon ni Angela.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon