CHAPTER 17

8 1 1
                                    

LUNA'S POV

Tumatakbo akong muli sa puting lugar na ito. May humahabol sa akin.

Takbo lang ako ng takbo kahit na naghahabol na ako ng hininga.

Tumingin ako sa likuran ko at may humahabol pa rin sa akin.

Hindi ko alam kung sino o kung ano ang humahabol sa akin. Ang alam ko lang kailangan ko siyang layuan.

Pero mukhang wala akong tatakasan.

Napansin kong hindi ako makaalis-alis sa pwesto ko. Pero tumatakbo ako.

Tumingin ako sa likod ko malapit na siya.

''Luna...'' Muli kong narinig.

''Luna...'' Lalo ko pang binilisan ang takbo, pero wala pa din. Hindi pa din ako makaalis.

Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko. Parang may nakapatong sa akin at dumoble ang bigat ko.

Napansin kong may mga kamay na nasa balikad ko. Pero patuloy pa din ako sa pagtakbo.

Bumabagal na ang takbo, dahil sa kada hakbang na ginagawa ko ay lalong bumibigat ang katawan ko.

Biglang gumalaw ang mga kamay na nakapalibot sa balikat ko.

Humigpit ito bigla at napahinto ako.

Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko para alisin ang nakakapit sa akin.

Pero laking gulat ko ng bigla nalamang lumambot ang inaapakan ko at nahulog ako.

''Ah..'' Ang tanging nasabi ko dahil sa pagkahilo.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon