CHAPTER 15

13 0 0
                                    

LUNA'S POV

' ''luna...'' Isang malalim na boses ang kanina pang tumatawag sa pangalan ko.

''Sino ka ba?!'' Sigaw ko. Patuloy pa din akong tumatakbo sa lugar na ito. Wala akong makita kung hindi puti.

''HAHAHAHAHA!'' Isang mapanindig balahibong tawa ang nagpahinto sa akin sa pagtakbo.

Lumingon ako sa likod ko.

''Marie?'' Tanging nasabi ko.

Nasa harapan ko si Marie. Nakayuko ito. Iisa lang ang pak-pak nito, at puro mantsa ng dugo ang damit.

''Paki-usap.'' Bulong nito.

''Paki-usap.'' Ulit pa nito.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

''Sabi mo tutulungan mo ko?'' Sambit niyang muli.

Napatingin ako muli kay Marie.

Unti-unti ng Nasusunog na ang buong katawan nito, pero nakatayo pa din ito.

''M-Marie!'' Sigaw ko. Tumutulo ang dugo sa mga mata nito na parang mga luha.

Bigla namang nabalot ng kadiliman ang paligid.

Nagulat ako ng itinaas nito ang mukha niya at tumingin sa akin.

Bigla din ito nakarating sa harap ko, ng hindi man lang gumagalaw.

Magkaharap mga mukha namin. Nakatingin lang sa akin ang mga mata niyang walang buhay.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon