Call
Puro na lang ba ganito ang mangyayari sa buhay ko? Puro drama? wala bang ending 'to? akala ko pa naman Happy lang ang walang ending. Sa sim card lang yata talaga yun e.
namimiss ko na si jack kasabay ng pagkamiss ko kay kelly na makalipas ang isang linggo ay hindi parin ako pinapansin. hindi ko naman kasi talaga sya kinalimutan. nililibang ko lang yung sarili ko.
Wala naman kasalanan si jackie. oo aminado ako na mukha siyang maarte pero masisisi ko ba siya kung kikay siya? kumbaga babaeng babae siya kumpara sa iba kaya tingin nila sakanya ay napaka arte na.
kasama ko padin si jackie. siya man yung dahilan ni kelly sa pagkagalit sakin hindi naman pwede na iwan ko na lang yung tao. porket galit si kelly. di naman ako ganun. Ako lang yung ka-close niya dito sa university
"Hi dwayne" bati ni jackie sakin nung makapasok ako
"Hi" bati ko pabalik sakanya.
"Okay na ba kayo?"
"hindi pa"
"try to talk to her" suggestion nya. I tried but it seems like she doesn't care even in just a single word that coming through my mouth
"I already tried, guess what? she ignored me"
"Just try it again, she's your cousin"
"Yes, she's my cousin. That's why I am sure that she won't talk to me" unless I'll realize that I have to hate those people that she hated
"Sorry dwayne"
"okay lang, it wasn't your fault"
kakausapin ko na talaga siya. kailangan. ayoko na lumala pa away namin.
Wala kaming klase ngayon. Hindi ko alam kung bakit
tawagan ko na lang si kelly. babaeng 'yon kasi. arte.
Dialing Kelly...
naka ilang missed call ako bago nya sinagot
"kelly so--"
("mamatay kana!") tapos nag end yung call.
ganon na ba talaga ako kasama? arte arte.
dahil nga sa pakipot at maarte si kelly. pupunta na lang ako sa kanila.
nag door bell ako para naman maging aware sila na nandito ang pinaka gwapong nilalang sa mundo.
"anong ginagawa ng gwapo kong pamangkin rito?" sabi ni tita. sabi na e.
"Hindi mo na kailangan sabihin pa tita, alam ko na yun. asan po si kelly?"
"nasa kwarato niya. puntahan mo na lang. ang aarte nyo" wow naman
"talaga tita? alam mo po ba kung bakit kami nag away?"
"ayaw sabihin e. pinapaalala ko lang raw sakanya yung kahayop-an mo. ewan ko ba sa bata nayun"
"Hindi mo po pala alam tita e. shut up ka na lang"
"ano?"
"joke lang po. pasok na ako"
kinatok ko yung pinto ng kwarto niya. katok lang baka pag tawagin ko sipain niya ako kaagad palabas rito e. yung pangarap kong lumipad noong bata ako baka biglang matupad. makalipad ako palabas ng bahay nila dahil sa power kick niya.
"po?" antok na antok na sabi niya pagbukas ng pinto. halatang kagigising lang. 11 na 'to.
"mama! bakit nagpapasok ka ng hindi ka aya ayang tignan na hayop dito sa bahay?!" sigaw niya. pwe
"magtooth brush ka muna bago mo ako awayin! baho ng hininga neto"
"ano rin? maganda padin ako. makakaalis kana"
"sorry na nga kelly--" isasara niya sana yung pinto kaso tinulak ko ng sakto lang para makapasok ako
"ako yung lalabas!" sigaw niya.
"edi lumabas ka"
"Hindi tayo magbabati"
"alam mo? ang arte mo. nagso-sorry na nga ako. ano bang kinagagalit mo ng sobra? bakit? maganda ka? maganda ka? arte ka diyan"
"ako? maarte? ako pa talaga?"
"hindi na nga. ako na nga" kahit na ikaw naman talaga.
"kaya ka lang naman nags-sorry kasi nag-guilty ka dahil totoo yung mga sinabi ko sa'yo"
"nags-sorry ako kasi miss ko na si KC yung baliw at kalog kong pinsan, yung tinutulungan ako sa mga bagay kahit komplikasyon lang, namimiss ko yung pinsan ko na kahit puro reklamo gumagawa padin, yung nangmumura na lang bigla kapag pinaguusapan na mag jowa kami. nakakadiri nga yun e. nakakamiss yung babae nayun yung oo, maarte kasi pabebe sya sa sitwasyon na 'to pero never naginarte sa mga bagay sa paligid nya, yung kahit matalsikan sya ng marurumi o mapuntahan nga alikabok sa mukha o uniform nya. nagrireklamo pero hindi sya magiinarte na akala mo ikamamatay nya yung dumi nayun, yung nag chi-cheer up sa kadramahan ko sa buhay. yung sobrang malaki yung tinulong sa operation ko na magkabalikan kami ni jack na nagfail nga lang. nawala na nga sya e, pati ba ikaw kelly?" nagulat ako nung nagsinghot sya kaya nilingon ko sya. napatawa ako ng malakas
"ang panget mo kelly, wag ganyan"
"ang drama mo, di bagay. wag ganyan"
"kikay lang naman siya kelly e, sorry a. di ko talaga alam. di naman ako nagkakagusto kay jackie e. she's just a friend. I can't just leave her I'm her only friend"
"but you weren't the only person in school, she can be friend to anyone"
"i know"
"then why are you still hanging with her?"
"it's hard to catch up with some of our classmates, you know that kelly"
"but the fact that you are choosing her over me, hurts a lot. I've help you alot. I know I shouldn't reproof this to you but c'mon, that time, I felt that I'm worthless"
"no, you're not, teka! bat ba tayo nag i-english-an. maganda nga pakinggan pero basta ayoko nun. so okay na tayo?"
"oo, sige na nga pero seryoso? mabaho na hininga ko?" tapos nag hagalpak sya ng tawa.
"oo" tapos tumawa rin ako.
"grabe ka"
"joke lang" joke lang naman talaga.
napatigil kami pareho sa pagtawa nung nag ring yung phone ni kelly.
+1**********? diba? other country yun?
BINABASA MO ANG
Want You Back (JulNiel)
RomanceNakipag hiwalay si Jackey Sophia sa kanyang boyfriend na si Dwayne daryll, through the years maraming nagbago. Patuloy bang kakapit si Dwayne? O hahayaan na lang na dalhin sya ng kapalaran sa kanilang dapat karoonan.